Sa Pilot Episode ng programang “Arangkada Virac  sa Radyo” na ginanap noong ika-12 ng Oktubre ngayong taon, ibinahagi ng alkalde ng Virac ang kanyang mga pinasimulan programa at proyekto sa loob ng tatlong buwan.

Ayon kay Mayor Sinforoso “Posoy” Sarmiento, medyo may kabigatan  umano ang magpatakbo ng isang 1st class municipality at sa loob ng tatlong buwang panunugkulan, bilang bagong alkalde nagagamay niya narin umano ang mga proseso sa tulong na rin ng panginoon.

Inupdate ng opisyal ang isinasagawang retrofitting ng Virac Public Market na kung saan meron ng  60+ % accomplishment.

Sa isasagawang sectioning sakaling maging operational na ito, merono umano silang binago mula sa orihinal na plano ng nakaraang administrasyon. Ang ground floor ay ibibigay umano ito sa mga dating umuukupa at ang mga bago naman kasama na ang mga establisadong negosyante ay ilalagay sa itaas na bahagi. Ito raw ay para maiwasan ang pagkalugi ng mga maliliit na negosyante na unang nakadisenyo sa itaas.

Masaya rin na ibinahagi ng alkalde ang tuloy tuloy na kanilang mga skills training sa mga livelihood programs katulong ang TESDA bilang kanyang prayoridad na mabigyan ng oportunidad ang mga mahihirap na magkaroon ng trabaho o magnegosyo batay sa kanilang kaalaman at hindi kailangan pang mangibang bayan o mangibang bansa.  Kasama rito ang training sa bread and pastry, heavy equipments, hilot and massage. On going din umano ang training sa garments at iba pang short term courses kaagapay ang TESDA na  isinasagawa sa binakanteng gusali ng PNB.

Samantala, sa turismo, kasama sa prayoridad ngayon ang pagbubukas ng Sanctuary na matatagpuan sa Marilima at Batag area na merong malaking potential bilang pinakamagandang tourist spot. Ang flowering plants na ilalagay sa sentro ng Virac ang patuloy ding inihahanda para masabayan ang pangalan ng Virac kung saan nagmula ito sa salitang bulaklak (“Burak”). Prinsipyo ng alkalde sa mga tourists destination,  sakaling magpopromote o mag-aadvertise ay dapat daw na kung ano ang nasa larawan ay yun din  ang madadatnan.

Nang matanong ang alkalde hinggil sa kanyang reaksyon sa rating na Low sa road clearing operation, walang gatol na sinabi nitong tanggap umano niya ang naturang grado. Ayon sa kanya, ang naturang direktiba ay meron umanong mga gray areas at sa kanilang beripikasyon malinaw na umano ito sa ngayon. Kulang din umano sila sa resources kung kaya’t niresulba umano nila ito. Dahil dito, nagpapatuloy umano sila sa road clearing operations sa sentro batay na rin sa findings ng DILG.

Sakabila nito, ipinagmamalaki ng mayor ang pagkakadeklara ng apat na baranggay ng Virac bilang drug free barangay ng PDEA kasama ang Sogod Simamla, Antipolo Del sur, Antipolo Del norte at Sta. Cruz. Pinuri din nito ang Rural Health Unit (RHU) sa mabilis na aksyon laban sa dengue na siyang naging malaking issue sa nakalipas na mga araw. Ang pagiging 24 hours na umano sa operasyon ng MDRRMO ay malaking tulong sa mga emergency cases at sa mga programa ng Municipal Agriculture’s Office particular ang pamamahagi ng mga seeds at gardening sa mga paaralan.

Patuloy umano ang pag-usad ng kanyang administrasyon sa tulong ng mga head of offices na siyang may malaking bahagi sa pamamalakad ng lokal na pamahalaan. Aasahan umano sa mga susunod pang mga buwan ang paglunsad ng mga programa na makakatulong sa pag-angat ng mga mamamayan (Ulat ni Sarah Todoc)

Advertisement