Arestado ng pinagsanib na pwersa ng Virac Municipal Police Station (MPS), Regional Police Drug Enforcement Unit/ Regional Special Operations Unit Regional Intelligence Division (RPDEU/RSOU RID) Catanduanes at ng Catanduanes Provincial Intelligence Branch (CATPIB) ang isang kwarenta y sais (46) anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation bandang alas-diyes ng gabi, ika- 12 ng Pebrero, 2020 sa Barangay San Roque, Virac, Catanduanes.

            Ang suspek na kinilalang si Roman Valera y Romero, may asawa, empleyado ng gobyerno at residente ng Barangay Gogon Centro, Virac, Catanduanes ay sinsabing kabilang sa Recalibrated Priority Database on Illegal Drugs- High Value Individual ng probinsiya.

            Nakuha mula sa kanya ang isang (1) maliit na pakete ng hinihilang shabu (subject of sale), siyam (9) pang maliit na pakete at apat (4) na may katamtamang laki ng pakete na parehong may lamang hinihinalang shabu.

            Kasamang nakumpiska ang isang trenta y otso (.38) kalibre ng baril, tatlong (3) bala ng revolver, limang daang piso na siyang ginamit na buy-bust money at ilan pang kagamitan.

            Ang nasabing suspek ay kasalakuyang nasa kustodiya ng Virac MPS habang ihinahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 laban sa suspek. (Radyo Pilipinas/Idol FM))

Advertisement