Sa pulitika, hindi pa nga isang taon ang mga halal, marami ng mga bulong bulungan hinggil sa magiging political scenario sa Pilipinas..hikhikhikhik!

Kung sabagay, presidential election sa 2022, kaya’t tila maraming magkaka-interes sa mga magiging presidentiables maging mga papasok sa eksenang mga senador maging sa local level.

                Siyempre, kasama sa usapin, yaong mga natalo na kahit masakit pa ang bulsa, iniisip na kung papano makaresbak,,hikhikhikhik! Sa Catanduanes, ang tanong kung magkakaroon pa ba ng 2nd round ang labanang Cua-CS? Sa tingin, ko parang hindi na, baka kasi bumalik sa congressional si CS at siyembre, ang magiging kalaban si HS..hikhikhik!

                Malamang sa malamang, by that time, nakapag-ipon na ng marami si HS dahil incumbent, posibleng dahan-dahan ng nakakarecover ang kanyang mga negosyo na masyadong nabawasan dahil sa nakalipas na halalan.

                Ayon sa impormasyon, merong 2.3 bilyon na proyekto si HS at posibleng maipatupad lahat ngayong taon. Kung ganito kalaki, eh ano naman ngayon, kasi bawal na ang pork barrel? Eh, hindi naman siguro nangongontrata si Manoy Hector sa mga proyekto? Eh uso pa ba ngayon ang SOP? Kung hindi na uso ano na ang uso ngayon?

                Eh, sabi ngayon sa tsismis, ang mga taga DPWH na rin di umano ang nakakarami ngayon dahil sa kanila na dumadaan ang mga proyekto? Hikhikhikhik! Usss, kailangan pa bang emimorize yan? Aminin!

*********

Posibleng sa summer, balik naman uli sa Christmas lights ang FICELCO. Ito kung sakaling hindi makakahanap ng alternatibo sa NPC na ayaw ng mag-renew ng kontrata sa hindi malamang kadahilanan. Hindi kaya lugi ang NPC sa kita sa naturang kooperatiba?

                Ayon sa ting bubuwit, tila, wala na ang kontrabida sa Board ng FICELCO kung kaya’t sakaling magka-aberiya sa magiging kapalit, meron naman umanong sasalo sa problema. Kaya’t ang sabi ni Kongresman Sanchez, relax lang daw ang mga taga isla, kasi meron siyang band-aid solution habang nasa konsekto pa lamang ang planong submarine cable.

                Well, tingnan natin ang susunod na kabanata!

********

Maraming natatakot sa korona na merong virus. Pero sa Bicol, marami na tayong naging malalaking personalities dahil sa korona.

Ang tinutukoy kung korona ay ang mga korona ng ating mga Miss Bicolandia. Eh di ba si Ms. Katriona Gray, ay taga Gunobatan? Eh si Meriam Quiambao at taga Bacacay Albay at si Ms. Venus Rhaj at taga Iriga.

                Kaya nga lamang, ang mga korona ng mga ito ay walang Virus..hikhikhikhik!

                Happy Valentine sa ating lahat. Babala sa mga bibili ng bulaklak, huwag na kayong bumili ngayong araw ng valentine dahil sure, makakarating ang ipapadeliver niyo sa mahal na Araw..hikhikhik! Ang gawin niyo, pitas nalang kayo sa mga halamanan sa inyong bahay dahil, sakaling sa mga flower shop, aabutin ka ng siyam siyam. Sa halip na ngingiti ang darling niyo, aasim ang pakiramdam dahil ang bagal ng kanilang delivery..hikhikhikhik! Peace ng mga kaperyodiko!

Advertisement