Apatnapu’t dalawang (42) katao ang arestado sa probinsiya ng Catanduanes noong ika-22 ng Marso 2020 kaugnay ng pinaiiral na Enhanced Community Quarantine.

Sa bayan ng Viga, 2 lalaki ang arestado sa Brgy. Ogbong bandang alas-6:00 ng hapon. Ayon sa ulat, isang reklamo ang natanggap ng Viga Municipal Police Station na agad namang inaksiyunan ng PNP na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang 18 anyos at isang 22 anyos na lalaki. Diumano, sila ay lumabag sa RA 11332 Sec 9d (Mandatory Reporting of Noticeable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act) at Article 151 of RPC (Resistance and Disobedience to a Person in Authority or the Agent of Such Person).

 Ang dalawang lalaki ay kapwa nabibilang sa tinatawag na Persons Under Monitoring (PUM) at kasalukuyang sumasailalim sa Self Quarantine subalit naaktuhang pagala-gala sa kalye. Apat pang kalalakihan ang arestado sa Brgy. San Vicente bayan pa din ng Viga ng bandang 10:30 ng gabi dahil naman sa paglabag sa curfew.

Samantala, ilang kalalakihan pa ang naaresto dahil sa ibat-ibang uri ng paglabag na may kaugnayan pa din sa pinatutupad na Luzon –wide Enhanced Community Quarantine. Kakaharapin din ng mga lumabag ang curfew, R.A. 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act) at Art. 151 of RPC (Resistance and disobedience to a person in authority or the agents of such person) sa ibat-ibang barangay ng San Andres at Virac.

Kabilang ditto ang pito (7) mula sa bayan ng San Andres ang naaresto sa Brgy. Codon at Comagaycay dakong alas 11:45 ng gabi. Umabot naman sa 29 katao ang dinampot ng pulisya at 5 menor de edad ang narescue na pawang mga taga Brgy San Juan, San Pablo, Gogon Centro, Palnab del Sur, Sto Niño at Cavinitan sa bayan ng Virac.

Sa kabuuan, aabot na sa 44 katao ang arestado sa Catanduanes habang 5 naman ang narescue dahil sa paglabag sa mga alituntuning pinatutupad kaugnay ng Enhanced Community Quarantine sa Catanduanes.

Patuloy na nananawagan ang PNP na sumunod at makipagtulungan sa pamahalaan sapagkat malaki ang magiging kontribusiyon ng bawat mamamayan kung tatalima lamang sa mga panuntunang pinatutupad upang tuluyang masugpo ang kinakaharap na suliraning pangkalusugan ng bansa. (Source:CatPPO)

Advertisement