VIRAC, CATANDUANES – Mahigit isang-daang milyong halaga ng isang health research facility ang ipinanukalang maitatag sa lalawigan ng Catanduanes para maging laboratory at testing center ng iba’t-ibang infectious diseases kasama na ang Covid-19.

Sa isang privilege speech ni Board Member Natalio Popa, Jr noong nakaraang linggo, inilatag niya ang lawak ng pinsala ng Covid-19 sa buong mundo, at wala umanong pamahalaan na naging handa sa naging epekto nito.

Sa Catanduanes, wala umanong sapat na kagamitan upang matukoy kung sino ang may impeksiyon at kung sino ang wala, lalo na ng Covid-19. Kaya ganoon umano ang pangamba ng bawat isa sapagkat nangangapa kung sino ang may sakit.

Dahil ditto, mainam umanong magkaroon tayo ng sariling testing center at iba pang kagamitang medical para sa communicable, infectious and tropical diseases.

Isang eksperto mula sa Unibersidad ng Pilipinas ang nagpaabot na ng isang project proposal para sa lalawigan. Si Dr. Francis Elegado, isang Research Professor ng U.P. at isang Registered Microbiologist ang naglatag ng isang proposisyon na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng 102.8-M pesos.

Sa halagang ito, nakapaloob na ng konstruksiyon ng isang hiwalay na pasilidad, gastusin para sa unang taon ng operasyon, laboratory equipment, kits and chemicals, security equipment, equipment maintenance at iba pang gastusin.

Magiging serbisyo ng pasilidad ang testing para sa Covid-19, TB confirmatory testing, microbial pathogen detection, digital x-rays for chest and abdominal symptoms, CT Scan, Ultrasound at Cardiovascular stress testing.Panukala ni Popa na maari umanong isailalim ang mahalagang proyektong ito sa Public-Private partnership program dahil nauunawaan umano niya ang malaking halaga ng per ana kailangang gastusin para ito ay maitatag.

Advertisement