Bato, Catanduanes – Inamin ng pamunuan ng First Catanduanes Electric Cooperative (FICELCO) na dahil sa pagpositibo sa COVID-19 ng (3) tatlo sa kanilang empleyado apektado ang kanilang operasyon.
Sa contact tracing nabatid na humugit kumulang 48 ang nagkaroon ng direct contact sa naunang pasyente kung kaya’t nasa quarantine ang mga ito.
Ayon kay Spokesperson Marvin Tapel, humigit kumulang anim (6) lamang ang kanilang standby kung kaya’t asahan umano ang pagkadelay sa pagresponde sakaling merong mga aberiya sa linya.
“Dakul na personahe kan kooperatiba hari sa TECHNICAL group ang nakabali sa contact tracing, kadaklan, Linemen, Inspector, Driver at Engineers ang mga naka quarantine. Sinda man halos ang naka-aram kan operasyon sa Distribution Lines (Main Line and Secondary Line) kan kooperatiba. Padagus ang pag-INSPECTION asin pag-TAKUD nin kuryente”, bahagi ng press release ng kooperatiba.
Ayon kay Tapel hindi pwede magkaroon ng lockdown ang kooperatiba dahil kasali umano sila sa mga tinatawag na essentials “Dai pwedeng mag-LOCKDOWN ang kooperatiba, segun sa IATF dahil sa Power Distribution Utility po ang FICELCO, asin kabali po kita sa ESSENTIAL na ahensya”, pglalahad nito.
Kinansela muna ng kooperatiba ang pagsasagawa ng Pre-membership orientation seminar (PMOS) bayad Biyernes para maiwasan ang dagdag pang problema.
Patuloy pa rin umanong bukas ang mga Service Centers sa mga bayan ng Pandan, San Andres, Gigmoto, Viga asin Datag, Caramoran at bukas umano ang mga ito sa pagtanggap ng mga bayad sa kanilang dating schedules. Ginagawa umano ng pamunuan sa pangunguna ni General Manager Raul Zafe ang lahat upang patuloy na makapagbigay ng serbisyo alang-alang sa magiging epekto sa ekonomiya at mga mamamayan.
“Pinag-gibuhan kan satong General Manager nin paagi, ngani na maski limitado ang Lineman kan kooperatiba, dai ma-apektuhan ang ekonomiya, asin urog na an commercial area kan isla, na ma-respondehan agad ang uyag na linya. Kung ang ma-uyag ang mayor na linya, na maka-ipu nin grupo na matrabaho, ang main office maku-a nin asistensya sa Area office (Viga and Pandan Area Office), para ma-aksyonan asin ma koreheran ang depektong Linya,” paglalahad ng opisyal.
Pinasalamatan ng pamunuan ang mga Alkalde sa mga bayan ng Bato, Baras, Virac at San Miguel, PHO, MHO, Nurses and Doctors, Punong Barangays and Brgr. Health Emergency Response Team dahil sa guide sa kanilang mga empleyado lalo na ang mga nasa quarantine
Sa huli, hiningi ng pamunuan ng FICELCO ang ibayong dasal upang hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga nagpopositibo.