Virac, Catanduanes – Kinilala ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang naging accomplishments ng mga Local Government Unit (LGUs) sa Bicol Region para sa epektibong pagpapatupad ng mga programa ng kagawaran.
Ang labing isang (11) bayan sa lalawigan maging ang provincial government ng Catanduanes ay lahat naging compliant sa naturang programa.
Sa panayam ng Bicol Peryodiko kay Regional Director Anthony Nuyda, natanggap na umano ng naturang mga munisipyo ang Assistance for the Municipalities (AM) na nagkakahalaga mula lima (5) hanggang labing dalawang (12) milyong piso.
Umaabot naman sa humigit kumulang isang daang milyon (100M) piso ang inilaan para sa mga lalawigan batay na rin sa Sagana at Ligtas na Tubig sa Lahat (SALINTUBIG) at ang Conditional Matching Grant to Provinces (CMGP) Programs.
“ May mga menu of projects na pagpipilian, yong CMGP para sa maintenance of provincial roads, including concreting and or opening mg roads”, paglalahad ng opisyal. Ang last release umano ng budget ay ipapalabas ngayong buwan ng Setyembre.
Kasama sa mga pinagbatayan ay ang mga sumusunod: Governance Reform Requirements – Public Financial Management (PFM), Good Financial Housekeeping (GFH) and Local Development Council (LDC) Functionality – for the release of funds allocated for FY 2020 Assistance to Municipalities (AM), Sagana at Ligtas na Tubig sa Lahat (SALINTUBIG), and Conditional Matching Grant to Provinces (CMGP) Programs.
Ang naturang mga programa ay gabay sa mga LGUs para sa epektibong hakbangin upang maipatupad ang mga pangunahing serbisyo sa kanilang mga mamamayan.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na halos lahat na mga bayan sa lalawigan ay nakuha ang compliance requirements ng DILG.
Ikinagalak ni Nuyda na halos lahat din sa anim (6) na mga lalawigan sa Bicol Region ay compliant sa naturang mga programa.
Umaasa ang opisyal na sa pamamagitan ng mga insentibong ito magkakaroon ng magandang direksyon ang mga LGUs upang maisakatuparan ang mga pangunahing proyekto at programa para sa kanilang mga residente.