Virac, Catanduanes – Limang (5) Bicolano ang pinarangalan sa ika-walong taong pagkilala sa kabayanihan ng mga natatanging Pilipino sa bansa.
Kabilang sa isang daang (100) nabigyan ng pagkilala mula sa Bicol Region ay sina Vice President Leni Robredo ng Naga City, Cam sur, Presidential Legal Adviser Salvador Panelo ng Camarines sur, mag-amang sina TGP Partylist Congressman Jose “Bong” Teves at Mayor Paulo Teves ng Baras, Catanduanes at si Vice Mayor Restituto “Bobuy” Fernandez ng Guinobatan, Albay.
Ayon kay Ginoong Danilo Mangahas, Chairman ng Gawad Filipino Award 2020, pangunahing layunin ng parangal na ito ay upang kilalanin ang iba’t ibang personalidad na nagbigay inspirasyon sa mga Pilipino sa iba’t ibang area of specialization.
Sa taong ito sumentro ang parangal sa exemplary achievements, partikular sa mga sumaklolo, nagbigay inspirasyon at nagsakripisyo upang labanan ang Pandemya dahil sa covid-19. Kinilala ang kabayanihan ng mga ito dahil sa kanilang pagtugon sa hamon ng pandemya.
Kaugnay nito, walang masidlan sa tuwa ang mga nabigyan ng parangal noong Disyembre 23, 2020 sa Metro Manila at kapwa nagpasalamat ang mga ito sa pagkakataong maituloy ang kanilang mission sa kani-kanilang field of specialization.
Personal na tinanggap ni kongresman Teves ang parangal, kung saan nabigyan pa siya ng appointment bilang Gawad Filipino Ambassador for World Environmental Advocate kasama ang iba pang mga government officials.
Kabilang din sa mga nabigyan ng kaparehong award ay sina DPWH Secretary Mark Villar, PAO Chief Acosta, Spokesperson Harry Roque.