Virac, Catanduanes – Umabot na sa Php 47 milyon ang cash donations na nalikom ng lalawigan bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

            Ang naturang donasyon ay mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalan, local government units at maging mga individual na nakiisa sa panawagan ng lalawigan ng Catanduanes matapos itong bayuhin ng bagyong Rolly.

            Ayon sa kaniyang State of the Province Address (SOPA) sinabi ni Gobernador Joseph Cua na patuloy pa umano ang kanilang pamimigay ng ayuda sa mga totally damaged na households. Sa kasalukuyan ay umabot na sa 12, 000 na yero ang naipamahagi sa buong lalawigan.

            Matatandaang, pinakaunang araw sa buwan ng Nobyembre nang bumungag sa lalawigan ng Catanduanes ang malaking pinsala sa ekonomiya, transportasyon maging sa mga kabahayan dahil sa Super Typhoon Rolly.

            Naitala ang humigit kumulang  3.6 bilyong pisong halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura samantalang umabot naman sa 43,293 household ang naapektuhan para sa  kabuuang 156, 861 individual. Anim (6) katao rin ang nalagas na buhay dahil sa malakas na bagyo.

            Siniguro ng gobernador na magpapatuloy ang tulong ng lokal na pamahalaan para abutin ang mga lubhang nangangailangan lalo na ang mga nawalan ng bubong at hanggang sa ngayon ay nagtityaga sa mga dampa at trapal.

Advertisement