Virac, Catanduanes – Umarangkada na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa lalawigan ng Catanduanes.
Nitong Agosto 26 nang magkaroon ng vaccination sa loob mismo ng Virac Municipal District Jail.
Ayon kay Jail Inspector Freddie Caballero II, OIC Provincial Director ng BJMP Catanduanes, nasa walumput anim (86) na mga PDL o 93% ng populasyon ng Virac District Jail ang nakatanggap ng kanilang first dose ng Sinovac COVID-19 vaccine.
Sa kabuuan, umabot na sa siyam naput isang (91) ang bilang ng mga nabakunahan samantalang isa naman ang nakansela dahil inaatake ng Asthma samantalang apat (4) naman ang hindi nakumbinsing magpabakuna.
Kasama rin sa nakatakdang bakunahan ang limamput siyam (59) na mga PDL sa San Andres District Jail ngayong ikalawang linggo ng Setyembre. Una nang nabakunahan ang apat na mga senior citizens na mga bilnanggo rito. Samantala, fully vaccinated na rin ang mga BJMP personnel sa Catanduanes maliban sa buntis. Pinasalamatan ng BJMP ang pamunuan at mga empleyado ng RHUs sa bayan ng Virac at San Andres maging sa DOH dahsa naturang hakbang.