Virac, Catanduanes –   Siyamnapung porsiyento (90%) umanong decided na sa pagtakbo bilang gobernador ng Catanduanes si Jardin Brian Wong na mas kilala bilang “JB Wong” para sa 2022 elections.

Ito ang kinumpirma sa Bicol Peryodiko ng batang Wong para tuldukan ang mga impormasyon hinggil sa posibleng pagtakbong muli ng kanyang ina na si dating gobernador Cely Wong sa kaparehong pwesto.

Ayon kay JB, buo ang kanyang loob para muling subukan ang political career sa isla at positibong pakinggan ang overwhelming encouragements at panawagan ng iba’t ibang sector. Kasama umano sa mga nagpaabot na ng suporta ang  mga incumbent mayors, provincial board members, civic oriented groups, youth sectors maging mga dating political leaders na naghahangad magkaroon ng pagbabago sa isla.

Matatandaang, taong 2016 nang hindi pinalad manalo ang batang Wong laban sa noo’y nagbabalik na si Gobernador Joseph “Boboy” Cua dahil sa three-cornered fight kasama si dating bise gobernador at ngayon incumbent TGP Partylist representative  Jose “Bong” Teves, Jr.

Pumangalawa siya sa resulta ng halalan bilang anointed candidate ng kanyang inang si gobernador Cely Wong matapos magdesisyong magpahinga muna pansamantala sa larangan ng pulitika.

Si JB Wong ay magdiriwang ng kanyang ika-31st birthday ngayong Setyembre 2, ikalawa sa apat na magkakapatid ng mag-asawang Araceli “Cely” Bernadino Wong, kilalang negosyante bago pa man pumasok sa pulitika, tubong Pandan, Catanduanes at negosyanteng si Bong Wong na tubong Hongkong.

Ang kanyang ina ay ilang beses ding kumandidato bilang kongresista bago pinalad na manalo taong 2013 sa pagkagobernador laban sa 3rd termer na si gobernador Cua.

Sa murang edad, kinilala na si JB bilang isang matagumpay na batang negosyante na nakabase sa Metro Manila at isa siya sa mga key officials ng kanilang family business kagaya ng Golden Bay Fresh Landholdings Inc., Aspire Corporate Plaza, a pioneering 10-storey office building na nakabase sa Macapagal Bay Area at marami pang iba.

 Ayon kay JB marami siyang mga pangarap na tangible programs and projects na sasagot sa tunay na pangangailangan ng mga mamamayan. Sa kabila umano ng kanyang mga inihandang plano, mas epektibo pa ring pakinggan ang tunay na pulso at partisipasyon ng publiko.

“But the goal is to bring the government closer to the people by means of consultations, transparent and focused on the people’s will”, paglalahad ni JB.

“It will be people first, the  government focused on the welfare of the people. Programs intended for education, health, tourism, youth empowerment and be the core of the new brand of leadership”, dagdag pa nito.

Siniguro ng batang Wong na isang malakas na koalisyon ang kanyang dadalhin sa lalawigan  kasama ang kilalang mga political leaders maging mga incumbent leaders na naniniwala sa kanyang kakayahan at sa hangaring magkaroon ng pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaan sa islang lalawigan.

Sa isang panayam noong 2019 sa isang kilalang national broadsheet na Daily Tribune, inilahad ni JB ang mensahe para sa mga kabataan, partikular sa kagaya niyang batang negosyante na nangarap at nagtagumpay.

“Never cease to dream. Dream big, but it doesn’t stop with dreaming. Start with dreaming, but you have to fulfill those dreams with diligence, hard work and perseverance”.

Sa tanong hinggil sa mga nais sundan ang kanyang yapak, ito ang naging sagot ni JB.

“Seeing the future, I think our generation has the chance to accomplish more than the past two generations combined. With the advent of technology, and the amount of capital working around, I think we have a lot of potential to really change the trajectory of the country. It’s not going to be easy to transform our country from a third world to a first world country, but as long as the youth of today have something to give or contribute, the prospects of this country are much better”.

Dahil umano sa kanyang mga karanasan sa negosyo lalo’t higit sa pagiging real estate businessman, nais niyang paramdamin sa mga mamamayan ng Catanduanes na marami pang paraan para mapaangat ang kabuhayan sa pamamagitan ng seryoso at may malasakit na pamamalakad. Nais niya ring labanan ang tinatawag na traditional politics na siyang kadalasang balakid sa pag-unlad.

            Samantala, ngayong Setyembre,  nakatakda niya umanong ianunsyo ang buong coalition na magiging bahagi ng bagong pulitika at malaking pagbabago sa isla. (Lea Fernandez)

Advertisement