Ngayong Sabado, Setyembre 17, 2022, magpapatuloy ang pagproseso ng AICS Educational Assistance sa iba’t ibang probinsya sa rehiyong Bikol.

Target ang 9,508 kliyente para sa ika-limang salvo ng distribusyon, kung saan ang lalawigan ng Sorsogon at Camarines norte ang may pinakamalaking bilang na inaasahang mabibigyan.

Muling paalala ng DSWD, ang mga makatatanggap ng kompirmasyon lamang sa pamamagitan ng text message mula sa kanilang tanggapan ang ipoproseso ng ahensya. Ang mga mabibigyan ng appointment ay mga aplikante na pumila o nag-email sa opisina ng DSWD Field Office V simula noong nakaraang Sabado, Agosto 20, 2022 at nag-fillout ng link o QR code hanggang Agosto 30, 2022.

Narito ang schedule para sa Setyembre 17, 2022:

📣CATANDUANES
City/Municipality: San Andres
Venue: San Andres Municipal Plaza
Target Beneficiaries: 526

📣CAMARINES NORTE
City/Municipality: Capalonga and Sta. Elena
Venue: Capalonga and Sta. Elena Covered Courts
Target Beneficiaries: 2,451
1,246 – Capalonga
1,205 – Sta. Elena

📣CAMARINES SUR
City/Municipality: Tigaon, Tinambac, Lagonoy, Sagñay, Goa, and San Jose
Venue: Partido State University, Goa
Target Beneficiaries: 1,000

📣ALBAY
City/Municipality: Polangui and Libon
Venue: Xentro Mall, Polangui
Target Beneficiaries: 1,231

📣SORSOGON
City/Municipality: Castilla and Sorsogon City
Venue: Sorsogon Provincial Gym, Capitol Compound, Sorsogon City
Target Beneficiaries: 2,500

📣MASBATE
City/Municipality: Cawayan, Palanas, Cataingan, Placer, Pio V. Corpuz, and Esperanza
Venue: Moises Adam Sports Complex, Poblacion Placer
Target Beneficiaries: 1,800

Kung ikaw ay may appointment, tiyaking dalhin ng kumpleto ang mga sumusunod:
A. Kapag awtorisadong kinatawan (Authorized Representative):


📌Valid ID (2 photocopies, back-to-back)
📌School ID ng estudyante o Certificate of Enrolment o kahit anong dokumentong magpapatunay na ang estudante ay naka-enroll ngayong pasukan (SY 2022-2023)
📌Authorization letter na pirmado ng benepisyaryo (kung nasa legal na edad). Kapag minor ang benepisyaryo, hindi na kailangan ang authorization letter
B. Kapag ang mag-aasikaso ang mismong benepisyaryo:
📌Valid ID (2 photocopies, back-to-back)
📌School ID ng estudyante o Certificate of Enrolment o kahit anong dokumentong magpapatunay na ang estudante ay naka-enroll ngayong pasukan (SY 2022-2023)
Mariin naming pinapaalalahanan na TANGING ANG MGA NAKATANGGAP NG TEXT MESSAGE ANG AMING TATANGGAPIN. Ito ay para masiguro ang sistematikong paraan ng pagbibigay ng serbisyo.

Ilang paalala sa mga pupunta sa payout sites:
📍Ang mga nakatanggap lamang ng text message mula sa DSWD Bicol ang maaaring pumunta sa mga payout venue
📍Magpunta lamang sa itinakdang oras at lugar na nakalagay sa text message mula sa DSWD Bicol
📍Siguraduhing orihinal ang pirma sa mga dokumento at walang bura o tampering
📍Magbaon ng tubig at pagkain
📍Huwag nang dalhin ang mga bata sa payout venue
📍Magdala ng sariling ballpen
📍Huwag kalimutan ang pagsuot ng face mask, paggamit ng alcohol, at pag-obserba ng social distancing
Atin pong panatilihin ang kaayusan sa ating mga payout centers.
Maagap at Mapagkalingang Serbisyo!

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

| via DSWD 5

# BicolPeryodiko/RadyoPeryodiko879

Advertisement