Virac, Catanduanes – Isinagawa ng Catanduanes Police Provincial Office (CATPPO) ang paglulunsad ng Gabay sa Kinabukasan Project, nitong September 7, 2022 na isinagawa ang sa Heroes Hall ng Kampo Francisco Camacho.
Ang naturang programa ay naka-angkla sa Project T.A.N.G.L.A.W. ng PRO5 na ang ibig sabihin ay “Tabang sa Aki na Nangangaipo, Ginhawa asin Liwanag Ang maitatao para Wakasan ang pagtios, giya sa pag-asenso”.
Sa nasabing palatuntunan ipinakilala ng pamunuan ang dalawang napiling benepisyaryo na sina “Rose”, kasalukuyang nasa grade 12 at isang working student; at isang 9 na taong gulang na batang babae na si “Isha”, kasalukuyang nasa grade 3, at anak ng isang construction worker.
Sa ilalim ng nasabing programa, magiging aktibong katuwang ng mga piling benipisyaryo ang kapulisan sa pagtataguyod ng kanilang pag-aaral, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gamit sa eskwela at pag-abot ng iba pang tulong.
Bilang paunang tulong, ibinigay sa kanila ang mga gamit sa eskwela kagaya ng bag, mga papel, lapis, sapatos, damit, at tig-kalahating sako ng bigas at maliit na halaga na pwedeng magamit bilang pandagdag sa gastusin sa paaralan.
Pinangunahan ng bagong talagang Deputy Provincial Director for Administration (DPDA) na si PLTCOL JOSE MARIA C. FRANCA at Deputy Provincial Director for Operations ng CATPPO na si PLTCOL JOCERIC O. DELA PEÑA.
Sa nasabing aktibidad, kapwa nagpahayag ng pagsuporta sa programa ang dalawang opisyal ng CatPPO.
“Katulad ng pangalan ng proyektong Gabay sa Kinabukasan at T.A.N.G.L.A.W., magsisilbing ilaw ang programa upang maabot ng dalawang benepisyaryo ang mas maliwanag na bukas sa pamamagitan ng pagtatapos nila ng pag-aaral,” Ayon kay PLTCOL FRANCA.
Samantala, ang 11 himpilan ng pulisya maging ang Mobile Force Company sa lalawigan ay may mga napiling mag-aaral na rin na susuportahan at magiging benepisyaryo sa ilalim ng nasabing programa. (Richmon Timuat/CATPPO)