Virac, Catanduanes – Umaabot sa 382 na mga bagong guro ang pinalad na makapasa sa isinagawang Licensure Examination fo Professional Teachers (LPT) sa lalawigan ng Catanduanes.

Batay sa inilabas na datus ng Professional Regulation Commission (PRC), ang Catanduanes State University (CatSU) ang may pinakamataas na bilang ng mga nakapasa na umabot sa 286. Ang 215 rito ay mula sa sekondarya samantalang 71 naman sa elementarya.

Merong 53 pumasa mula sa Catanduanes College (CC), 32 rito ay mula sa elementarya samantalang 21 sa sekondarya. Naitala rin ng Catanduanes State University (CatSU) Panganiban ang 39 na mga pumasa, 32 rito ay elementarya at 7 sa sekondarya. Apat naman na secondary graduates ang pumasa mula sa Christian Polytechnic Institute of Catanduanes (CPIC).

Ang mga nakapasa sa isla ay kabilang sa 24,819 na mga bagong elementary teachers at 48,005 na mga secondary graduates na kumuha ng eksaminasyon nitong Marso 2023.

Ikinatuwa naman ng mga school administrators maging mga magulang ang  magandang resulta ng eksaminayon ngayong taon. (FB)

Advertisement