Virac, Catanduanes – Hinakot ng bayan ng San Miguel ang dalawa sa pinakamalalaking aktibidad ng 8th Abaca Festival 2024.
Unang sinungkit ng delegasyon ng San Miguel noong araw ng Martes, May 28, ang kampeonato sa festival of festival street dance competition kasunod ang kampeonato sa float parade ng government category noong Miyerkoles, May 29, 2024.
Nagkakahalaga ng 150,000 ang naibulsa ng delegasyon sa street dancing habang 100,000 ang naibulsa sa float parade.
Pumangalawa ang delegasyon ng Pandan sa street dance competition habang pumangatlo ang bayan ng Virac na nakakuha ning halagang 120,000 at 100,000 ayon sa pagkakasunod-sunod. Naitanghal naman bilang Festival Queen si Erica Mae Chiva ng bayan ng Virac. Naging apple of the eye ng audience maging ng mga hurado ang sayaw na ipinamalas ng festival queen na animoy nasa scating ring sa dami ng kanilang pag-ikot habang nagsasayaw bitbit ang isang image ng mahal na ina.
Naging impresibo naman ang performance ng San Miguel street dancers dahil sa kanilang magarbong palamuti, togtog, props at walang kapagurang pagsasayaw sa saliw ng musika na .hinangaan ng mga manonood.
Sa pagpasok pa lang ng delegasyon sa plaza Rizal, ramdam na ng mga manonood ang lakas ng dating ng contingent at naipakita ang galing sa pamamagitan ng kanilang presentasyon.
Samantala, tinanghal bilang Best in Costume and Best in moving choreography ang Municipality ng Pandan.
Sa float parade, maliban sa San Miguel bilang kampeon, pumangalawa ang LGU Viga, ikatlo ang MLGU Caramoran habang sa private establishment entries kampeon ang Ardci, 2nd runner up ang Lucky Hotel and Resort at 1st runner up ang float ng CDHI.
Kapwa inihayag ni Governor Joseph Cua, Committee Chair PBM Sonny Francisco oat Tourism Officer Carmel Garcia ang kanilang taus pusong pasasalamat sa partisipasyon ng mga kinauukulan maging ang pagdagsa ng mga manonood sa ikawalong stading ng Abaca Festival. Ayon kay Gobernador Cua, maswerteng hindi hinagip ang lalawigan ng bagyong si Aghon dahil naging gmasawa at matiwasay ang naturang selebrasyon.
May kurot umano ang selebrasyon ngayon ayon sa gobernador dahil maliban sa nakisama ang panahon, tumataas umano ang presyo ng abaca na malaking tulong sa mga abacaleros. Sa panig umano ng LGU, hindi sila humihinto sa paghanap ng solusyon upang maging stable ang presyo at matulungan ang mga magsasaka ng abaka.
Ayon kay PBM Sonny Francisco, Festival Executive Committee Chair, maituturing umanong isang matagumpay ang nangyaring festival at umaasa siyang mas lalo pang magiging makulay at makahulugan ang pagdiriwang sa mga susunod na taon. Matapos umano ang festival, magsasagawa sila ng assessment upang mas pang mapaghandaan ang festival. Dahil aniya sa festival, unti-unti ng nakilala ang lalawigan sa buong bansa kasabay ng pagkakadeklara sa lalawigan bilang abaca Capital of the Philippines. Pinasalamatan ni PBM Francisco ang tanggapan ng Provincial Agriculture’s Office sa pangunguna ni Ginoong Ace Tria at ang PhilFIDa dahil sa pagkilala sa mga magsasaka sa lalawigan. Maging ang PhilFida sa ginawang patiribayan Abaca Stripping challenge.
Pinasalamatan naman ni Tourism Officer Carmel Garcia ang mga sponsors at ang mga taong naging bahagi ng isang matagumpay na selebrasyon. Kasama rin aniya rito ang mga private organizers kagaya ng motorcycle tourism, fishing competition maging ang mga vloggers na bumisita sa happy island.