Virac, Catanduanes – Binigyan linaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang usapin ng Emergency Shelter Assistance (ESA) para sa mga nasalanta ng bagyong Nina nitong nakaraang taon.
Sa inalabas na press release ng nasabing tanggapan, pinawi nito ang pangamba ng publiko na naiirita na sa kakaantay na pangakong tulong sa kanila. Ito ay dahil sa madalas na tanong kung matatanggap pa ba nila ang ESA para sa mga nasiraan ng bahay ng bagyong nina?”
Kaugnay nito, siniguro ng ahensya na matatangagp pa ang ESA at para lamang umano ito sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa probinsya ng Albay, Camarines Sur at Catanduanes. Matatandaang, nagkaroon na ng paunang release na 5,000php para sa mga totally damaged houses ang DSWD simula Marso. Ang payout naman para sa balanseng 2,5000php ay isasagawa ng city/municipal local government unit (LGUs) lalo na sa malalayong munisipyo. Sa kasalukuyan, ang DSWD po ay nasa proseso pa ng fund transfer sa LGUs”, paglalahad ng DSWD.
“Ang payout naman para sa partially damaged households ay isasagawa ng lokal na pamahalaan o LGUs”, dagdag pa ng kalatas, Nakiusap din ang ahensya na huwag mainip dahil ang mga kawani umano ng DSWD nagtatrabaho kahit higit pa sa sampung oras sa isang araw at pitong araw sa isang linggo para mas mapabilis ang naturang proseso ng ESA.
Matatandaang, maging ang peryodiko ay pinuputakti ng tanong hinggil sa naturang usapin. Sa panayam ng Radyo Peryodiko kay MSWDO Virac Jean Triunfante, sinabi nito na natapos na umano ang unang tranche na nabigyan na umaabot sa 800 pamilya samantalang halos kapareho din ang number ng napasali sa 2nd tranche.
Ayon kay Triunfante, nasa liquidation na umano ang LGU Virac at sakaling maisumite na ito sa DSWD, posibleng ilabas na rin ang 2nd tranche ng naturang proyekto. Umaabot na rin sa halos isang taon matapos ang pananalasa ng bagyong Nina, subalit hindi naibigay ang tulong dahil sa proseso.