Virac, Catanduanes-  Ginawaran bilang Best Municipal Police Station (MPS) ang Virac MPS kaugnay sa Police Community Relations 2021/2022  ng Catanduanes Provincial Police Office noong Hulyo 29.

Ang nasabing parangal ay kaugnay sa pagtatapos ng ika 27th  Police Community Relations (PCR) Month na may Temang: “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na pamayanan. Ginanap ang paggawad ng parangal sa Camp Francisco, Camacho Virac, Catanduanes sa pamumuno ni Acting Provincial Director Benjamin B. Balingbing Jr.

Bago ito, nito lamang Hulyo 25,  kinilala rin ang Virac MPS ng PNP Region 5 bilang  2nd best Municipal Police Station sa buong rehiyon.

Nitong nakaraang linggo lamang, kinilala ang Virac MPS ng National Police Commission Region 5  dahil sa kanilang Project “Ronda sa Banggui, Kaiba Nyo Kami”, as Best Community Service-Oriented Policing(CSOP) System Project for the province of Catanduanes.

Chief of Police Kevin Caparroso

Kinonsepto umano ito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa komunidad kaagapay ang Local Government Unit(LGU). Malaki umano ang tulong nito sa crime prevention measure, kung saan sa pamamagitan ng mobilization ng force multipliers sa lahat na mga barangay ng Virac na malaking tulong sa kakulangan ng PNP personnel at crime prevention.

Sa kabila nito, binigyan naman ng pagkilala ang dalawang kawani ng PNP Virac sa pagtatapos ng Police Community Relations. Kasama rito si PSMS Catherine L. Surban na tumanggap ng Certificate of  Recognition mula kay PLTCOL Manuel D. De La Pena, Chief Provincial Community Affairs Division(PCAD) at ng Catanduanes Police Provincial Office(CATPPO), bilang  BEST SENIOR PNCO, in Police Community Relations for CY 2021-2022.

Nakuha naman ni  PSSg Antonino B. Aquino ng Virac Municipal Police Station(MPS)  ang BEST JUNIOR PNCO.

Ang naturang mga parangal ay bilang bahagi ng  27th Police Community Relations Month celebrations na ginanap sa  Heroes Hall, Camp Francisco Camacho  noong Hulyo 28, 2022. (Richmon Timuat)

Advertisement