Virac, Catanduanes- Excited na ang mga contestants at all set na rin ang Bicol Peryodiko Festival of Music bilang isa sa mga highlights sa pagdiriwang ng 72nd Catandungan Festival na may temang “Our Heritage, Our Pride” na gaganapin sa Oktubre 23-27.
Ibabandera sa grand presentation night dakong alas-7 ng gabi sa Oktubre 26, 2017 ang mga orihinal na komposisyon ng mga amateur songwriters sa iba’t-ibang bahagi ng bikol. Tampok sa nasabing kompetisyon ang labing dalawang (12) orihinal na komposisyon kasama ang ‘Tagok’ ni Raffy Tabilog, ‘Ta Ika’ ni Jayson Pereyra, ‘Repaso’ ni Richard Guerrero, ‘Madya Na’ ni Daryl Pulvinar, ‘Puturo’ ni Eddie Fernandez, ‘Islang Magayon’ ni Jefferson Vargas, ‘Ika ang Musika’ ni John Kim Belangel, ‘Sulong Catandungan’ ni Robert Samudio, ‘Siya ang Babayeng Namutan ko’ ni Joden Tomagan, ‘Ang Simpleng Kanta’ ni Patrick Jasper Lira, ‘Gayon’ ni Toton Cervantes at “Simpleng Buhay’ ni Jay Vargas. Kaugnay nito, may pasabog rin ang mga personnel at staff ng Bicol Peryodiko at Radyo Peryodiko 96.7 FM.
Samantala, papasinayaan ang Catandungan Festival sa Oktubre 23, 7:00 ng umaga sa pamamagitan ng Civic Military Parade mula Capitol Grounds hanggang Plaza Rizal na susundan ng Opening Program at Ribbon Cutting Catandungan Trade Fair sa parehong lugar at Talent Night/Presentation of Candidates for Bb. Catanduanes at Ginoong Catanduanes sa Virac Town Center. Sa Oktubre 24, 8:00 am ang Heritage Talk and Tour sa mga Cultural at Historical sites sa Catanduanes, “Kurit” (Heritage Visual Art Workshop) sa Rhaj Inn Hotel, “Sisay Kita” Cultural Quiz Bee sa SP Session Hall, at Hudaw Tres (Happy Island Photo Exhibit) sa 2nd Floor ng Provincial Capitol bandang alas-9 ng umaga. Gaganapin naman ang Binibini at Ginoong Catanduanes Pageant Night sa Virac Sports Center, alas-7 ng gabi Oktubre 25, 2017. Magkakaroon naman ng Thanksgiving Mass sa Virac Cathedral sa Oktubre 26. Susundan ito ng Parade of Faith (Parada nin mga Partron) mula sa Viracl Cathedral hanggang Capitol Grounds. Pagkatapos nito, ang 72nd Foundation Day Program sa Capitol Grounds bandang alas-9 ng umaga at ang Padadyaw sa Tinampo mula Capitol Grounds hanggang Plaza Rizal sa ala-una ng hapon at ang Bicol Peryodiko Festival of Music sa alas-7 ng gabi. Tatapusin ang nasabing festival sa pamamagitan ng Tourism Ambassadors Awards Night sa Regina Hall, Kemji Resort and Resto sa Oktubre 27, alas-7 ng gabi. (RD4)