Ang mga bagong Midwifery Board passers ng Catanduanes State University kasama ang kanilang mga mentors sa pangunguna ni Dean Jordan. (FB photo from Connie)

VIRAC, CATANDUANES – Nasungkit ng Catanduanes State University (CSU) ang ikalawang pwesto sa pinakahuling resulta ng ‘Midwife Licensure Examination’ na inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Nobyembre 8, 2017.

Si Connie Jane  Convicto y Manlagñit ay nakakuha ng 88.65% kung saan gahibla lamang ang layo mula sa top 1 na merong 88.80% sa katauhan ni Paul Mark Paz Pilar mula sa  Ilocos sur Community College.   Sa 2nd place kasama ni Convicto si Joel Cadag Almoguera ng Masbate College. Maliban sa dalawang top 2 na bicolano, pasok di

THE TOPNOTCHER: Connie Jane Convicto together with her mother Corazon Manlangit Convicto

n sa number  8 ang isa pang bicolano na si Stephen Kyle D. Sierra ng Bicol University Tabaco Campus.

Kabuuang  22 ang pumasa mula sa CSU na kinabibilangan ng mga sumusunod; Jessica Adorico Antonio, Christine Joy Tuazon Arcilla, Eden May Sarmiento Buerano, Irish Vicente Geografo, Diana Rose Zorilla Olesco, Joy Socito Padilla, Anjanette Teope Quintanilla, Pamela Bonifacio Rodriguez, Angelee Samonte, Carmela Mae Conda Solsona, Jerlyn Arcilla Tabo, Lucelyn Tuplano Tarnate, Shiela Olino Taroy, Hazzel Avila Tedera, Clarence Yusores Togueño, Ma. Shane Fabul Lopez, Donnabel Delluta Panti, Aileen Orot Sales, Nanette Cipriano Zuniega, Sheena Antonette Vargas Tumalin, at Shella Sarmiento Soriao.

Sa buong bansa umabot sa 3,360 ang examinees, subalit   1,444 o kaya 43% lamang dito ang pinalad na makapasa.

Samantala, dahil sa naturang resulta, nagbubunyi ngayon ang CSU family, partikular ng College of Midwifery, at inaasahang sa darating na Enero ang nakatakdang testimonial ng mga nakapasa.

Matatandaang, noong isang taon, halos apat din ang pumasok sa top ten mula sa CSU na nagbigay ng malaking inspirasyon sa mga estudyante na pinangunahan ni Kathryn Avery Aldave y Antonio.

Sa panayam ng Bicol Peryodiko kay Convicto, inamin nitong pangarap niyang makasali sa top ten bago pa man ang pagsusulit, subalit tila napawi ito matapos ang examination dahil sa hirap ng exam, kung kaya’t sinabi niya na posibleng top 15 na lamang siya. Laking gulat niya umano nang mapasali siya sa top ten at naging top 2 pa. “Medyo po, kasi yung totoo po, from the very start, nagpepray na ko na sana makasama ako sa top 10, pero after the exam, sabi ko sa sarili ko top 15 ok na ko. Basta 88% gwa ko. Di ko naman po expected na yung gwa na pinalangin ko, pang top 2 na pala,” paglalahad ni Connie.

Katunayan, sinabi nito na sa kanyang college days halos nakakuha na rin umano siya ng INC, gradong 3 at 5, subalit hindi umano siya naging negatibo upang makuha ang karangalan na inaalay niya naman sa kanyang mga kamag-aral, pamilya at mga kaibigan. “I told my self that “I can and I will. Focus and aim high! Think positive! Laban!  Ngayon ito na nga. Para sa mga walang sawang sumuporta, para po ito sa inyo. Maraming maraming salamat po!” isa sa mga posts nito sa kanyang fb account.

Samantala, balak niya umanong ipagpatuloy ang pag-aaral sa BS midwifery, subalit prayoridad niya muna na makapagtrabaho para makatulong sa mga magulang. Si Connie ay anak nina Danilo Convicto at Corazon Manlagñit, tubong Carangag/Esperanza  sa bayan ng San Andres,  23 anyos at bunso sa tatlong magkakapatid.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.