Kung hindi ko nakuha ang nakatagong aklat na ito, humigit-kumulang isang dekada na ang lumipas, balak ko sanang baguhin ang estilo ng pagsusulat sa kolum na ito. Binalak kong kukuhanin ko ang mga naglalakihang isyus at babanat o hihirit ako nang todo-todo, Para matindi ang dating sa madlang pepol.

Banat dito, banat doon. Rapid fire, ika nga. Subalit sa kabutihang palad at pagkakataon, tila provindential, biglang kong nahugot ang aklat na ito, na matagal nang nakatago sa isang tabi kasama ng iba’t-iang aklat na matagal kong naipundar, masakit man noon sa aking bulsa.

Ganoon ako ka-bookworm noon at ngayon, Hindi ako mapalagay hanggat hindi ako makabili ng national dailies at daily tabloids na paborito ko. Itinuturing kong isa itong himala lalo pa’t malapit na ang selebrasyon ng pagsilang ng Sanggol (Dec. 25) at ang kuwaresma pagdating ng Marso o Abril.

Ang titulo ng kolum ko ngayon ay ang Tagalog bersyon ng ‘The Purpose Driven Life’ na isinulat ni Rick Warren, founding pastor ng Saddleback Church at Lake Forest, California, isa sa pinakamalaki at pinakakilalang simbahan sa Amerika. (Source: Ang Buhay na May Layunin (The Purpose Driven Life Tagalog Philippine Missionary Edition); Nilimbag nang may pahintulot ng Purpose-Driven Publishing USA).

“Bakit Ako Naririto Sa Mundo”, ito ang katanungang nakasaad sa ibaba ng kahanga-hangang pamagat ng naturang aklat. Bilang panimula , na aking lubusang ikinagalak at nakapagbigay ng tunay na pag-asa, sinulat ni Pastor Warren ang ganito:

“Ang aklat na ito ay alay sa iyo. Bago ka pa ipinanganak, inihanda na ng Diyos ang sandaling ito sa buhay mo. Hindi nagkataon na hawak moa ng aklat na ito. Hangad ng Diyos na matuklasan mo ang buhay na nilikha Niya para sa iyo—dito sa mundo, at sa kawalang hanggan.

“Sa pamamagitan niya ay hinirang dito tayo at itinalaga noon pang una ayon sa plano ng nagsasagawa ng lahat ng kanyang layunin at kalooban” (Efeso 1:11 (NPV).
Dagdag pa ni Pastor Warren: “Lubusan akong nagpapasalamat sa daan-daang manunulat at tagapagturo, klasikal at kontemporaryo, na humubog sa aking buhay at tumulong upang matutunan ko ang mga katotohanang nakalahad dito. Nagpapasalamat ako sa Diyos at sa iyo para sa pribilihiyong maibahagi ang mga katotohanang ito.”

Bilang panimula ng ‘Isang Paglalakbay Na May Layunin’, narito ang pambungad na katanungang dapat nating pagtuunan ng oras at atensyon: “Paano Mo Mapakikinabangan Nang Husto ang Aklat na Ito?” (Itutuloy).

Advertisement