Ilang tulugan na lamang, ayon sa opisyal pronouncement ng Comelec, campaign period na para sa barangay at SK elections. Iyan ay kung wala nang sagabal o walang unexpected events beyond our control and expectations. Meron bang barangay at SK elections o wala? Nagtatanong lang mga katoto.

Whatever, by indications, tiyak handang handa na ang lahat na lehitimong kandidato sa hanay ng barangay at SK sector para ipahayag sa kanilang barangay ang “plataporma de gobierno” para bigyan sila ng mandatong mamuno based on their capabilities and, of course, trust and confidence.

Ayon sa mga mapagmasid maraming kategorya ang klase ng kandidatong mangangampanya—1) merong plata pero walang porma; 2) maporma pero walang plata; 3) ma-plata na maporma pa; 4) wa plata, wa porma.

Ayon sa polisiyang ipinaiiral ng Comelec, nag-file na rin kami for accreditation sa Comelec as our mandated function and personal advocacy for clean, honest, and peaceful elections.
* * * *
Bilang isang manunulat at mamamahayag, hilig ko, mga katoto, ang mangolekta o bumili ng anumang babasahin lalo na kung gratis — Bicol, Tagalog o English versions— and , ika nga sa Ingles, anything under the heat of the sun.

Ako’y nagsimulang maging bookworm simula noong martial law days hanggang ako’y magretiro walong taon na ang nakararaan sa San Pablo City at nag-desisyong tumira sa Islang Kayganda sa perswisyon ng aking butihing maybahay na taga-Otab—na mga alisto talaga.

Lalo na’t nandyan palagi sa tabi ko, maliban sa aking waswit—gising o tulog man—ang aking inaasahang armas para panatilihing malinaw ang aking paningin sa pagtamasa sa pagmasid, pagdama sa lahat na ginawa ng Diyos, bago nilalang si Adan at Eba noong ika-6 na araw ayon sa Genesis (hindi po si G. Efondo) ng Banal Na Bibliya.
* * * *
Pardon the pun, para hindi kayo malito, lalo na yong hindi mabilis sumakay, literally or otherwise, na-mention ko si G. Efondo kasi Genesis ang pangalan n’ya di ba?

Hindi lang iyan. Matindi ang dating at level ng kanyang bagong Christian ministry program tuwing Linggo, alas 7:00-8:00 ng gabi sa Radyong Paborito— ang Christ’s Café program na patok na patok sa masa hindi lamang sa mga intelektwals kundi maging sa ordinaryong mamamayan dito sa Islang Kayganda.

Very articulate in the King’s language, merong golden voice at humble ang projection
Enough of my kilometric intro adlibs. Tampok na paksa sa isyung ito ang napapanahon at seryosong katanungan sa sanglibutan na binigyan ng sapat na atensyon at reserts ng GUMISING (Vol. 98, No. 6, 2017/Tagalog)—Maisasalba pa ba ang mundo o hindi na?

Bakit parang palala nang palala ang kalagayan sa mundo?

“Nagsimula ang taong 2017 sa isang nakalulungkot na proklamasyon ng mga nasa larangan ng siyensiya. Noong Enero, isang grupo ng mga siyentipiko ang nagsabi na ang mundo ay mas malapit na sa tuluyang pagkawasak nito,”ayon sa artikulo.

“Para ilarawan ito gamit ang Doomsday Clock, iniabante ng mga siyentipiko and mahabang kamay ng orasan nang 30 segundo. Ang Doomsday Clock ay halos nasa dalawa’t kalahating minuto na ngayon bago maghatinggabi—mas malapit sa tuluyang pagkawasak ng mundo kaysa noong nakalipas na mahigit 60 taon!”, dagdag pa nito.

Sa Bulletin of the Atomic Scientists na isinalin sa tagalog ganito ang paliwanag tungkol dito:
“Ang Doomsday Clock ay isang simbolong kinikilala ng maraming bansa na nagpapahiwatig kung gaano na tayo kalapit sa pagkawasak ng ating sibilisasyon dahil sa mapanganib na mga teknolohiyang tayo mismo ang gumagawa. Pangunahin na rito ang mga sandatang nuclear, bukod pa sa mga teknoloiyang nagpapabago sa klima, mga naglilitawang biotechnology, at cybertechnology na nagdudulot ng permanenteng pinsala—sinadya man ito, pagkakamali, o aksidente—sa ating pamumuhay sa planeta.” (Itutuloy).

Advertisement