Virac, Catanduanes – Hinimok ni Gobernador Joseph C. Cua ang mga miyembro ng Catanduanes Goat at Tupa Raisers Association (CAGSRA) sa buong probinsya na nakiisa sa dalawang araw na training na ngayon ang tamang panahon upang bigyang pansin ang produksyon ng kambing sa merkado noong Nobyembre 14-15, 2017.
Ayon sa mensahe ng gobernador sa nasabing training ng asosasyon, “Goat as well as sheep production is a dormant treasure of our island, only waiting to the right time to come out,” at dagdag pa niya “business is not all about the trending.”
“”It makes me excited what it looks like if we have enough supply of sheep and goat production. Besides, the flows of business is not about trending.” Pakusugon ang asosasyon to call the attention of the public in this aspect. Goat farming has cheaper maintenance that produces meat, milk, fiber and manure with further result of employment, business and stability of income for the people of the province.” Dagdag pa niya.
Sa kabila nito, tiniyak ng gobernador ang kanyang suporta sa asosasyon para maging matagumpay ang adhikain nito. Gagawa rin umano siya ng hakbang para ibahagi sa asosasyon ang kagustuhang palawakin upang paunlarin ito.
Mataandaan na natalakay din ni Provincial Veterinary Officer, Dr. Jane Rubio na ang probinsya ay may pinakamababang suplay ng kambing at tupa na may papulasyon lamang na humigit-kumulang 1,200, tumataas lamang ito 2.5% bawat taon. Kung ikukumpara sa mga nagdaang mga taon halos 7,000 noon, ngunit ngayon ay lubha itong bumaba. Kaya naman sa pinagsamang pagsisikap ng ATI at Provincial Government ay nagsisimulang tugunan ito ng nasabing pamunuan.
Lubos ang pasasalamat ni CAGSRA President Rolando Vargas sa supporting ipinagkakaloob ng nasabing mga pamunuan para sa mga nag-aalga ng kambing. Kaya naman siniguro ni Specialist III ng ATI, si Mr. Cirlo Nuyles na ang mga benepisyaryo ay pagkakalooban ng hayop matapos ng pagsasanay at pagbili ng mga hayop para sa asosasyon.
Ito ay ayon na din umano sa pagsasanay sa ilalim ng programang TIER 2 ng ATI para sa natatanging na 22 priority provinces sa bansa na naglalayong dagdagan ang produktibong agrikultura upang tugunan ang seguridad sa pagkain at pag-iwas sa kahirapan. At inaasahan lubos na mapapakinabangan ng CAGSRA ang programa na ipinatupad ng ATI upang maangat ang antas ng produksyon ng kambing.
ANg nasabing training na isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI), Regional Training Center-5 sa pakikipagtulungan ng Provincial Government sa pangnguna ng Provincial Veterinary Office sa Rakdell Inn Virac.