San Andres, Catanduanes- Wala ng buhay nang isugod ang isang 15-anyos na binatilyo matapos itong maglaro ng boxing sparring dakong alas 8:00 ng gabi noong Nobyembre 16, 2017 sa bayan ng San Andres, Catanduanes.

Sa inisyal na imbestigasyon ng San Andres Municipal Police Station, ang biktima ay kinilalang si Jake D. Sorilla, 15-taong gulang, grade 8 student ng San Andres Vocational School (SAVS) at residente ng

Brgy. Agojo, San Andres, Catanduanes. Ang ka-sparring nito ay kinilala naman na si Vincent M. Rodriguez, 16 taong gulang, nag-aaral sa San Andres Vocational School at residente ng parehong barangay.

Ayon sa kwento ng mga nakasaksi, habang nagpapahinga umano ang mga nasabing boxing player sa kanilang pag-iinsayo bilang preparasyon sa isasagawang boxing tournament sa nasabing bayan k

augnay sa San Andres town fiesta, isang binatilyo umano ang lumapit at sinubukang pagboksingin ng mga taong nanonood. Bukod pa rito, ilan umano sa mga tagapanood ay hinamon ang dalawa para mag sparring na agad pinagbigyan ang kahilingan nito. Kasunod nito, agad umanong kumuha ng boxing gloves at mitts ang dalawa at nagsimulang nagsuntukan.

Samantala, habang naglalaro, humingi umano ang biktima ng time-out upang magpahinga subalit dahil sa pagod, bigla itong nanghina at nahulog sa lupa. Agad naman itong isinugod sa Jose M. Alberto Hospital ng mga kalaro at ng iba pang mga nakasaksi subalit huli na ang lahat at idineklara na itong dead on arrival ng attending physician na si Dr. Ali Romano. Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang iniimbestigahan na ng pulisya ang naturang insidente at upang isantabi ang anggulo ng foul play.

Advertisement