Virac, Catanduanes – Isang ginang ang idineklarang patay sa ospital at walong iba pa ang malubhang nasugatan matapos magsalpukan ang isang tricycle at isang motorsiklo sa national road sa bahagi ng barangay Calabnigan ng bayang ito.

Sa impormasyon ng pulisya, ika-anim ng gabi noong November 13, 2017 nang maganap ang malagim na trahedya ng aksidenteng makabangga ang isang tricycle sa isang motorsiklo. Nakilala ang tsuper ng tricycle na si Alex Abejo ng Brgy. Mayngaway mula sa bayan ng San Andres samantalang residente naman ng Brgy. Lictin San Andres ang nagmamaneho ng motorsiklo na nakilalang si Loreto Santelices Sales.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, patungong Virac ang nasabing traysikel na naglalaman ng walo katao. Habang pababa umano ito ay tinangka nitong mag-overtake sa isang container van, ngunit sa bahagyang pagsilip sa kaliwa ng drayber ay eksakto namang humahagibis ang paakyat na motorsiklo dahilan upang magbanggan ito. Ayon sa mga nakakita, ilang beses nagpagulong-gulong sa kalsada ang traysikel at kumalat din sa kalye ang mga pasahero nito na sina Evangelina Vargas Monjardin 69 years old, Editha Rodriguez 54, Francesca Lucero 68, Marbe Farpan 57, Isabel Siz 59, Renante Siz 48, at Mary Ann Abejo na asawa ng dyarber ng traysikel.

Agaw-buhay si Mary Ann Abejo nang isugod sa Eastern Bicol Medical Center (EBMC) ng mga rumispondeng first-aider ng Philippine Red Cross, samantalang nagkaroon naman ng fractures mula sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga iba pa. Kinaumagahan, pumanaw si Mary Ann habang nilalapatan ng lunas sa loob ng Intensive Care Unit.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.