Caramoran, Catanduanes-Nagkaloob ng libreng pagsasanay sa wastong paggamit ng computer ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa 22 regular at casual na empleyado ng LGU-Caramoran.

Ito ay sa pamamagitan ng Digital Literacy Training (DLT) program noong Nobyembre 27-29, 2017 sa Multi-Purpose Hall, Baybay ng bayang ito, na pinangunahan nina; DICT Provincial Field Team Lead Engr. Norly Tabo, Ms.Roselyn Galang, bilang trainor at si Charlene Corral, assistant trainor.

Nakapaloob sa training package na ito ay ang “Computer essential connection, Viruses, Microsoft Publisher, Excel and Power point. Kasama sa mga lumahok ang mga kinatawan mula sa BFP (2), PNP (1) at karamihan sa LGU.

Layunin ng DICT upang maturuan ang bawat LGU sa buong bansa, na magkaroon ng libreng WIFI connection sa pamamagitan ng PIPOL KONEK program.

Ikinagalak Mayor Agnes Borbe Popa ang naturang hakbang ng DICT dahil malaking tulong umano ito bilang bahagi ng training program sa mga empleyadong kasali sa pagsasanay.

Kasama rin sa kalahok ay ang tanggapan ng Budget, Treasurer at Accounting lalo na sa paggamit ng Microsoft Excel. Dahil dito, pinasalamatan ng alkalde ang pamunuan ng DICT Catanduanes, na naging partner ng LGU-Caramoran.

Samantala, nagpasalamat naman sina Engr. Tabo at Galang kay Mayor Popa at sa lokal na pamahalaan maging sa mga lumahok sa pagsasanay. (JOLLY ATOLE)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.