Virac, Catanduanes – Inimbitahan ng lokal na pamahalaan ng Catanduanes ang PHINMA Energy upang tingnan ang posibilidad para sa investment nito dahil sa unstable supply ng kuryente sa lalawigan.
Sa isinagawang courtesy nitong nakalipas na linggo nagkaroon na ng initial na pag-uusap ang magkabilang panig upang pag-aralan ang mga hakbang dahil sa sitwasyon ng kuryente na isa sa mga pangunahing kailangan ng mga negosyante.
Sa pag-uusap, natalakay ang maaring solusyon para tuldukan ang matagal ng problema ng power supply maging ang isyu sa mataas na presyo nito.
“To drive the global adoption of clean energy by developing, financing, building and operating microgrids which benefit companies, communities and investors alike. Together, we will displace polluting and expensive fuels with high penetration renewable systems”, batay sap ag-uusap.
Ang PHINMA Energy ay isang tagapanguna sa supply ng kuryente at pangangalakal sa WESM, at naging isang lisensyadong Retail Electricity Supplier (RES) at Wholesale Aggregator mula noong 2006.
Bilang isang RES, ang kumpanya ay maaaring lumahok sa Retail Competition at Open Access (RCOA) at ihatid ang mga pangangailangan ng mga kustomer at mga kooperatiba ng kuryente sa pamamagitan ng mga customized solusyon sa kuryente.
Hinahikayat din ng PHINMA Energy ang mga komunidad kung saan ito ay nagpapatakbo sa pamamagitan ng mga programang Corporate Social Responsibility (CSR), na may mga adbokasiya na nakatutok sa edukasyon para sa empowerment ng kabataan, pangangalaga sa kapaligiran, pag-unlad ng kabuhayan at pagpapanatili ng negosyo, at kapakanan ng komunidad at kabanatan.
Matatandaang hanggang sa kasalukuyan, nananatiling hindi stable ang supply ng kuryente sa lalawigan dahil sa kakulangan ng power producer matapos magpaso ang kontrata ng CPGI. (Andrew Talion)