Caramoran, Catanduanes-Nagtulungan ang Provincial Government, LGU-Caramoran at maging ang Jollibee Virac sa pamamagitan ng pamimigay ng libreng pagkain, papremyo sa mga kabataan.

Ito ay bilang bahagi ng Children’s month celebration, kung saan itinampok ang parlor games at “Handog Kasiyahan para sa mga Day Care Children”. Kasama rin sa nagbigay saya ay ang Kuya Kim Belangel ng Catanduanes sa pamamagitan ng puppet na si Diego. Ang finalist ng GMA7 Bet ng Bayan ay pinasaya ang mga bata sa pamamagitan ng iba’t-ibang magic tricks at iba pang pakwela.

Ang aktibidad ay isinagawa sa Barangay Dariao noong Disyembre 6 sa kadahilanang maulan ang panahon at wala pang maayos na covered court ang poblacion sa bayang ito.

Ang okasyong ito’y pinangunahan ni Mayor Agnes Borbe Popa, Information Officer-II, Joshua Paul Araojo at staff ng Governor’s Office, mga magulang at Day Care Children mula sa 21 barangay. Presente din si Mun. Social Welfare and Development Officer (MSWDO) Ms.Elena I. Dela Rosa, at mga staff nito bilang pangunahing agency na umaagapay sa mga Day Care Children ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Mayor Popa, hindi titigil ang LGU-Caramoran, sa pagtulong sa mga kabataan, upang maiahon ang bayang ito matapos mapasama naman sa status bilang number 1 malnourished sa buong probinsya. Kaugnay nito, hinikayat ng alkalde ang mga magulang na bigyan ng mga pagkaing masustansya ang kanilang mga anak at makiisa sa kampanya ng lokal na pamahalaan at labanan ang problema sa malnourished sa pamamagitan ng pagturo sa mga kabataan na kumain at magtanim ng mga gulay, na hindi laging iasa sa mga pagkaing “ instant or ready to eat” at maging sa gobyerno lokal.

Sabi pa ng alkalde, panatilihing laging naliligo o pinapaliguan ang mga kabataan, malinis ang mga koko lalong-lalo na bago kumain, upang laging nasa maayos ang mga ito. Sa ganitong pamamaraan maiibsan o maiahon ang estado ng malnourished sa bayang ito. Dagdag pa ng alkalde, ugaliing laging kumunsulta sa Rural Health Unit (RHU) at Mun.Nutrition Office (MNO) para sa kalusugan ng kanilang mga anak. Kung kaya’t malaking hamon ito sa mga magulang na pabaya o napapabayaan nila ang kanilang mga anak.

Sa pahayag ni Information Officer-II, Araojo, bilang kinatawan ni Governor Joseph “Boboy” Cua, ibinahagi nito ang mensahe ng gobernador. “Tabangan an mga Kaakian” sa pamamagitan ng TIMBANG ANGAT, a Supplemental Feeding Program ng provincial government”. Hinikayat din nito ang mga magulang na tulungan ang kanilang mga anak, na bigyang lagi ng masustansyang pagkain araw-araw. (JOLLY ATOLE)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.