SAN ANDRES, CATANDUANES โ€“ Isang labing limang taong gulang na dalagita ang natagpuang wala ng buhay sa loob ng kanilang kwarto matapos magbaril sa sarili sa Barangay Asgad sa bayang ito.

Sa ulat ng PNP-San Andres, mag-iikaanim umano ng gabi noong Disyembre 13, 2017 nang madiskubre nila ang bangkay ni Mica Ella Sumayang na isang estudyante. Malinis na at nababalot ng isang kumot sa loob ng isang silid ang dalagita kung saan sinasabing doon nagbaril sa sarili ang dalagita.

Sa panayam ng Bicol Peryodiko ito kay Senior Inspector Antonio Perez, inamin nitong walang impormasyong ipinarating sa kanilang tanggapan, at batay lamang sa kanilang intelligence kaya nalaman nila ang nasabing insidente.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, lumalabas na napagalitan ng magulang ang dalagita matapos mahuli itong umuwi mula sa pamimiyesta. Batay sa kwento ng mga kapitbahay, nakarinig umano sila ng alingawngaw ng putok ng baril at kasunod nito ay natuklasan nila ang walang buhay na dalagita.

Habang sinusulat ang balitang ito, hindi malinaw kung sino ang naglinis at nagbalot sa bangkay, ngunit ayon sa hepe ng San Andres PNP, maaring maharap sa demandang obstruction of justice ang sinuman na may kagagawan nito. Sa Standard Operating Procedure, ang crime scene, ayon sa kanya, ay hindi ginagalaw at ipinu-proseso ito ng otoridad bilang bahagi ng imbestigasyon.

Si Sumayang, ayon pa kay PSI Perez ay anak isa umanong kilalang miyembro ng NPA na si Randy Sumayang na ngayon ay may kinakaharap na kaso sa husgado. Sa kanilang isinagawang pagresponde, hindi nila inabutan sa tahanan sa sinuman sa mga kaanak ng dalagita.

Samantala, ilang saksi ang nagpaabot ng impormasyon sa pahayagang ito kung saan sinasabing labis umanong ipinahiya ng magulang ang dalagita. Hindi lamang umano simpleng pagpapagalit ngunit sinampal din ng ama ang dalagita.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa naturang pangyayari.

Advertisement