Virac, Catanduanes – Epektibo nitong Disyembre 28, 2017, bukas na ang licensing ng lokal na pamahalaan ng Virac para sa mga nais kumuha ng prangkisa ng tricycle.

Sa panayam ng Bicol Peryodiko kay Vice Mayor Arlyn Arcilla, kinumpirma nitong nakalusot na sa review ng Sangguniang Panlalawigan ang panukala para sa lifting ng moratorium sa pagkuha ng prangkisa.

Matatandaang, ilang taon na ang nakalilipas nang ipinatupad ng lokal na pamahalaan ang moratorium sa application ng prangkisa batay narin sa rekomendasyon ng transport group dahil sobra na ito sa numero kumpara sa mga pasahero.

Ayon sa bise alkalde hanggang Enero 20 ang deadline kung kaya’t nanawagan ito sa mga gustong kumuha ng prangkisa na samantalahin ang pagkakataon.

Nag-ugat ang naturang hakbang dahil sa pagdami ng mga kolurom na nagpapasada sa bayang ito na siyang inirereklamo ng mga lehitimong tricycle drivers.

Advertisement