VIRAC, CATANDUANES – Kabuuang 497 na resolusyon at provincial ordinance ang tampok sa accomplishment report ng Sangguniang Panlalawigan na inilabas noong nakaraang linggo para sa taong 2017.
Sa nasabing bilang, 473 ang resolusyon, lima (5) ang appropriation ordinances samantalang 19 naman ang provincial ordinances.
Mula sa 473 resolusyon, 127 ang nakapangalan kay West District Board Member Rafael Zuniega at apat na provincial ordinance ang kanyang naipasa. Hindi naman bababa sa 89 ang approved resolution ni West District Board Member Giovanni Balmadrid, idagdag pa ang tatlong appropriation ordinances at anim na provincial ordinances. Nakagawa rin ng 65 resolution si East District Board Member Arnel Turado at tatlong provincial ordinances ang nasa ilalim ng kanyang pangalan. Si ABC Provincial President Gregorio Angeles ay nakapag-sumite rin ng 50 resolutions, isang appropriation ordinance at tatlong provincial ordinance.
Umaabot naman sa 45 resolutions ang nagawa ni East District Board Member Lorenzo Templonuevo at apat na provincial ordinances. Si West District Board Member Jose Romeo Francisco ay naging may akda naman ng 39 resolution, isang appropriation ordinance at tatlong provincial ordinances. Si West District Natalio Popa ayh nakagawa rin ng 28 resolution at isang provincial ordinance.
Sa ilalim naman ng pangalan ni East District Board Member Vincent Villaluna ang 26 resolution at isang provincial ordinance. Samantala, ang presiding officer ng Sanggunian Panlalawigan na si Vice Governor Shirley Abundo ay nakapag-awtor din ng 13 resolution at isang provincial ordinance. Si PCL President Juan Velchez ay nakagawa rin ng 11 resolution, at si East District Board Member Joseph Al-Randie B. Wong ay nakapagpasa naman ng siyam.
Sa nakaraang taon, nagkaroon ang SP ng 55 session days. Pinakamaraming ipinasok si PBM Arnel Turado na may 54, hati naman sa 53 session days present sina PBM Gregorio Angeles at PBM Rafael Zuniega, si PBM Lorenzo Templonuevo ay nakapag-session din ng 51 beses, 50 kay PBM Giovanni Balmadrid, 46 kay Vice Gov. Shirley Abundo at ilang beses din siyang naging Acting Governor kaya hindi siya maaring maupo sa session.
Samantala, 45 na beses din na nakapag-session si PBM Jose Romeo Francisco, 42 si PBM Natalio Popa, 40 kay PBM Vincent Villaluna, 39 kay PBM Juan Velchez at 20 session days lamang ang dinaluhan ni PBM Joseph Al-Randie Wong.
Si Wong din ang may pinakamaraming Official Business trips na umaabot sa 27, 16 kay Velchez, 10 kay Villaluna, tig-lima sina Popa at Francisco, apat kay VG Abundo at Templonuevo, tig-dalawa sina Turado, Angeles at Balmadrid samantalang isang beses lamang lumiban on official business si Zuniega.
Si Wong din ang may pinakamaraming Forced and Vacation Leave na umabot sa pito, lima kay Villaluna, apat kina Popa at Francisco, tatlo kina VG Abundo, Turado at Balmadrid, at isa kay Zuniega.