Virac, Catanduanes – Kinumpirma ni RTC Executive Judge Lelu P. Contreras na wala pang Hold Departure Order (HDO) ang mga kinasuhan sa kontrobersyal na shabu laboratory sa lalawigan ng Catanduanes.

Ang HDO ay isang preventive measures laban sa mga akusado upang hindi makaalis ng bansa habang dinidinig ang kaso laban sa akusado.

Sa panayam ng Bicol Peryodiko, sinabi ng huwes na ang korte ang may papel para sa magpapalabas ng HDO, subalit itoy magdedepende sa kahilingan ng government prosecutors. Sa kaso ng shabu lab, ayon sa impormasyon, hawak ito ng state prosecutor mula sa central office na si Alexander Suarez. Wala aniyang moto proprio ang korte hinggil sa pagpapalabas ng kautusan at tanging nasa option ito ng fiscal.

Matatandaang noong Lunes, Marso 12 pormal ng inihain ang kaso sa korte laban kina Atty. Eric Isidoro, Lorenzo Peñera, kasama si Jason Uy at iba pang Chinese nationals, subalit si Peñera pa lamang ang nasa kostudiya ngayon ng BJMP matapos magpalabas kaagad ng warrant of arrest ang korte.

Samantala, pormal ng inirekomenda ng korte ang destruction sa shabu laboratory sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ginawa ang rekomendasyon matapos ang isinagawang ocular inspection ng korte sa pangunguna ni Judge Contreras PNP at Fiscal’s office.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.