VIRAC, CATANDUANES – Buo ang tiwala ni dating NBI Director Eric Isidoro na mapapawalang-sala siya pagkatapos umanong maiharap ang kanyang panig batay sa kanilang hawak na ebidensiya.

Magugunitang idinawit ng maskaradong witness na si Ernesto Tabor ang pangalan ni Atty Eric Isidoro bilang isa umano sa mga utak ng operasyon ng natuklasang pabrika ng droga sa lalawigan ng Catanduanes.

Ngunit ayon sa dating opisyal ng NBI, darating umano ang araw na lalabas din ang totoo. Pahayag niya, “The testimonies of the lone witness are inconsistent and perjured. I’m very confident my name will be cleared.”

Dahil sa seguridad, hiniling ng kampo ni Isidoro sa pamamagitan ng Department of Justice na payagan ng Korte na sumailalim siya sa kustodiya ng NBI. Ngunit ang mosyon na ito ay ibinasura ng RTC-Catanduanes.

Ayon kay Isidoro, karapatan naman umano iyon ng husgado. “Anyway marami namang remedies, legal remedies. We are also awaiting for the result of the petition for review. Definitely I’m confident it will be decided in favor of me,” dagdag pa ni Isidoro. (RAMIL SOLIVERES)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.