Virac, Catanduanes – Inihayag sa media ni dating gobernador Araceli B. Wong ang kanyang intensyong tumakbo bilang kongresista sa Catanduanes sa susunod na taon.

Sa isang press conference na ipinatawag ng pamilya Wong, inamin ng dating gobernador ang kanyang paglahok para sa nasabing halalan. “This earliest time I’m making it known and I’m 100 percent sure I am running for Congress,” ayon kay Wong. “Mabuti na ‘yong nagdedeklara na ng una para maging matibay na sa isip ng tao ang aking hangarin para sa susunod na eleksyon. On my part, para magkaroon na rin ako ng focus.”

“Mula simula nang mag-participate ako sa halalan, ang pagiging kongresman ang aking ipinaglaban. I lost three times, then I was voted as governor, pero sa totoo lang mas gusto kong tinatawag bilang Congresswoman.”

Inamin din nito na ang pakay para sa kongreso ay naipaabot na rin umano kay Congressman Cesar Sarmiento. “I told him now that he is done, sabi ko ako naman. Because just like him, naniniwala akong marami rin akong magagawa para sa Catanduanes bilang kongresman.

I commend everything Cong. Sarmiento accomplished for the province, and I want to start mine. Pero parang hindi niya raw mapipigilan ang kanyang kapatid kaya sige, laban na lang.” Gayunpaman, ayon kay Wong, bukas siya para sa anumang pag-uusap sa magkapatid na Sarmiento. “But for now, I am in a regular meeting with my group like the former Vice Governor Bong Teves and others and we talk about planning for my bid for Congress.”

Sa una ipinahayag ng dating gobernadora ang pagtakbo sa ilalim ng Nacionalista Party (NP), isang allied party ng administrasyon. Ngunit binawi ito kalaunan, “But I think I can also go as Independent.”

Samantala, sa panayam ng SP sa DWFB, inilahad ng gobernador ang kanyang mga plano para sa Catanduanes. Pagpapatuloy ng aking nasimulan para sa produktong abaca ang akong unang pagtutuunan ng pansin’, paglalahad ng dating gobernador.

Aniya, maging noong gobernador pa siya kanya ng nasimulan ang pagpapaganda sa presyo nito maging linkaging sa mga ahensya ng pamahalaan.

Katunayan, ang paglulunsad ng “Abaca Festival “ ang isa sa kanyang binigyan ng pansin upang mas lalong makilala ang lalawigan at patunayan na ang isla ang may karapatang mag-claim ng kredito. Kanya umanong kinausap ang dating gobernador ng lalawigan ng Albay upang ibigay sa Catanduanes ang claim na Catanduanes ang may malaking plantation o produksyon, bagay na pinagbigyan naman. Katunayan, inamin ni Wong na marami ang mga by products ng Albay kumpara sa Catanduanes, subalit kulang naman ang supply ng Albay dahil sa Catanduanes karamihan galing ang raw materials.

Samantala, focus umano siya kung papano magiging magaan para sa mga magsasaka ang pagsasaka ng abaka sa pamamagitan ng pag-introduce ng mga bagong teknolohiya. Nais niya umanong lumawak ang marketing para lumago ang livelihood sa pamamagitan ng linkaging sa mga ahensya kasabay ang pag-imbita ng mga investors para sa manufacturing ng produkto. (Ramil Soliveres/FB)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.