Virac, Catanduanes- Pinangunahan ng Philippine Sports Commission (PSC) sa kauna-unahang pagkakataon ang Provincial Consultative Meeting and Grassroots Coaching Program na ipinagkaloob ng Philippine Sports Institute (PSI).

Pinangunahan ni Deputy Director Salvador Marlon Malbog-IV ang delegasyon sa loob ng tatlong araw (April 24-26, 2018) na ipinagkaloob sa mga participants mula sa Department of Education (DepEd) at Local Government Units (LGU’s).

Naisakatuparan ang programang ito sa pamamagitan ni PSC Catanduanes Sports Coordinator Mr. Edwin Gianan sa tulong ng Provincial Government sa pangunguna ni Governor Joseph “Boboy” Cua at DepEd Catanduanes sa pangunguna ni Division Superintendent Socorro Dela Rosa katuwang si Education Program Sports Coordinator Mary Jean Romero.

Ayon kay PSC Sports Coordinator Gianan, tinanggap nya ang hamon upang pangunahan ang Catanduanes bilang representative sa PSC, na matulungan at hubugin ng mga coaching staff mula sa PSI ng PSC ang mga coaches at officiating officials ng DEpEd at maging ang mga LGU’s. Layunin din nito ay upang hikayatin ang mga namumuno na gumawa ng mga programang pangpalakasan na may kaugnayan sa Bicol meet at Palarong Pambansa at suportahan ang mga atletang Catandungueño na merong potential sa larangan ng sports.

Sa pahayag ni Superintendent Dela Rosa, kagalakan at nagpasalamat ito sa pamunuan ng PSC at PSI na dinala ang coaching staff sa pangunguna nina; 3 times Olypian player Romeo Brin at 3 times SEA games player Joegin Ladon (Boxing), Ricardo Dilapdilap at Bea Felise Garido (Swimming), Roselyn Hamero at Danilo Fresnido (Athletics), Michael Baletin at Efrelyn Calitis (Wrestling), Famous Athlete Elma Muros-Posadas, Jaime Nuñez, Dorothy Neil Doroin at si Andrew Cecilio Duazo (PSC-PSI Coordinator).

Kasama rin dito ang mga personnel Staff na sina; Zandra Arreza, Maybelle Panis, Sharon Lameda, Jeselle Gatchalian, Dante Villarba, George Sambre at Raffy Catan, PSC Albay Sports Coordinator James Nuñez lalong-lalo na kay Deputy Director Malbog at ang mga nagbigay ng lecture na sina; Dr. Cely Magpantay (The Psychology of Coaching), Nutritionist Mary Jean Serapion (Sports Nutritionist) at si Maria Clarissa Bañares RN (Sports Injury and First Aid).

Umaasa si Dela Rosa sa mga coaching and officiating officials ng DepEd, na hindi dito nagtatapos ang hamon, bagkus ay palakasin ang kaalaman sa sports, na sana naisapuso at isipan ang Grassroots and Coaching Program na ipinagkaloob ng PSC-PSI sa Catanduanes. Umaasa din ito, na maiangat ang antas ng award sa taong-taong Palarong Bicol mula sa ika-13, na delegasyon.

Sa panayam ng Radyo Peryodiko at Bicol Peryodiko kay Elma Muros-Posadas, ang pagdala umano ng coaching staff ng PSC at PSI ay inisyatibo ni PSC Chairman William Ramirez upang maituro ang tamang pamamaraan mula sa theory at mga techniques sa iba’t-ibang sports. Kailangin din umanong palawakin ang encouragement program sa mga athletes, Parents, Coaches at Officiating Official ng DepEd at maging sa mga LGU’s na suportahan ang mga manlalarong Catandungeño hanggang umabot ito sa Palarong Pambansa.

Nagpasalamat naman si Posadas sa mga opisyal ng DepEd, Provincial Government, Congressman Sarmiento, Virac Mayor Laynes, sa mga participants at iba pang naging bahagi ng programang ito maging kay PSC Catanduanes Sports Coordinator Gianan at sa hospitality ng mga taga Isla.

Binigyan naman ng excellent grades ang mga coaching staff ng PSC-PSI sa magandang impression mula sa mga participants sa kanilang dagdag kaalaman at karagdagang strategy sa larangan ng sports. (Jolly Atole)

Advertisement