Virac, Catanduanes โ€“ Arestado ang mag-ama sa Barangay Palnab del Sur matapos masamsam ng otoridad ang mga pakete ng droga sa isang matagumpay na pagsisilbi ng Search Warrant noong nakaraang linggo.

Sa ulat ng pulisya, dakong ika-9 noong April 20, 2018 nang ipatupad ng mga elemento ng Virac Police sa pamumuno ni Senior Inspector Ariel Buraga ang kautusan ng korte sa tahanan ng mag-amang sina Gil Manrique, Sr., 64 anyos, may asawa at ang anak nitong si Gil Manrique, Jr., 38 years old, binata na kapwa residente ng nasabing barangay.

Sa paghahalughog ng otoridad, natagpuan sa mga ito ang hindi bababa sa sampung pakete ng pinaniniwalaang ipinagbabawal na gamot.

Naisampa na ang mga kaukulang kaso ng paglabag sa RA 9165 laban sa mag-ama sa pamamagitan ng isang inquest case proceedings.

Advertisement