LTFRB Regional Director Vladimir Kahulugan (center) during the forum at Catanduanes

Congressman Cesar Sarmiento represented by Atty. Jorge Sarmiento (right)

Virac, Catanduanes – Hunyo ngayong taon sisimulan ang capability building ng mga operators ng UV express bago tuluyang mabuksan ang biyahe ng mga ito sa lalawigan ng Catanduanes.

Sa isinagawang PUV legalization for Catanduanes, mismong ang bagong pinuno ng LTFRB na si Director Vladimir Kahulugan ang nanguna upang iparating ang mensahe na sinisimulan na nila ang proseso para sa mga prangkisa.

Katunayan, hinikayat ni Regional Director Kahulugan ang mga operators na mag-organisa ng mga kooperatiba bilang bahagi ng requirements upang maging responsible ang mga ito sa larangan ng transportation.

Matatandaang, ilang taon na ang nakalilipas, subalit nananatiling kolurom ang mga van mula sa Virac San andres patungo sa mga bayan sa ilang bahagi ng lalawigan dahil sa kawalan ng prangkisa.

Matagal ng nagrereklamo ang mga legitimate operators, subalit hindi maakayunan ng LTO sa hindi malamang kadahilanan. Nag-apela ang mga operators na madaliin ang proseso dahil halos hindi umano sila makabyahe dahil sa naturang dahilan.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.