Kinilala bilang isa sa pinakamatandang abaca farmer at stripper ng Provincial Government si Pio Tubice y Burac, 88 anyos ng San Roque Bato, ama sa limang anak na nakapagtapos at nagtatrabaho bilang guro, contractor at enhenyero.
Sa panayam ng Bicol Peryodiko kay Tubice noong ika-28 ng Mayo, 2018 sa pagdiriwang ng ‘3rd Abaca Festival, inilarawan nito ang kanyang pinagdaanang hirap, sakripisyo at pagpupursige upang magampanan ang kanyang obligasyon bilang isang mabuti at huwarang ama.
May mga panahon umanong naghain siya ng kamote sa kanilang hapagkainan bilang paaala sa kanyang mga anak na magpursige sa kanilang pag-aaral upang makaraos sa paghihirap.
Mahigit sa Pitumpo’t Dalawang (72) taon na umano siyang nag-aabaka sa apat na hectaria simula pa noong Labing Anim (16) na taong gulang pa lamang. Umaakyat umano siya sa bundok para maghagot sa loob ng apat na araw sa isang lingo at nakakakuha pa siya sa ngayon ng limang kilos kada araw.
Kasabay nito ang payahag ni Gobernador Joseph Cua sa mga abaca famers and strippers na, “Our walk is not just a sign of faith, but every step we took is a sign that we in Catanduanes can come together for one united purpose. Another, may this occasion teaches us leaders of our province to make every work we do be done in faith, honesty and dignity.”
May siyam (9) na abacajeros mula iba’t ibang bayan ng probinsyaupang nahinirang at kinalala bilang the oldest abaca farmer. Tulad na lamang nila Jose R. Torres (79) ng Baras, Remegio R. Gianan (70) ng Virac, Fabian Sabeniano (80)ng Pandan, Antonio Almanza (83) ng San Miguel, Francisco Celestino(72) ng Panganiban, Salvador T. Tating (80)ng Gigmoto, Gualberto Togueno (83) ng Caramoran at Jesus T. Rodriguez ng Viga. Nakatangap sila ng Plaque of Recognition na may kasamang cash incentives na nagkakahalagang Sampong Libong Peso (P10,000) at karagdagang LImang Libong Peso (P5,000) para sa pinakamatandang abakahero.
Samantala, may naging mensahe si Tubice sa kapwa parahag-ot nin abaka, “kung papagdanayon ang ginhawa ninda na dae na mgturotrabaho, ta sinda maluya na.. harani na ang pagkagadan ninda kaya kinakaipuhan na banaton niato ang satong ginhawa tah kinakaipuhan.”(Joni Panti)