Virac, Catanduanes- Sigawan at palakpakan ang naging tugon ng mga nanuod sa isinagawang  kauna-unahang Mobile Legend Competition sa Virac Rawis Gym noong Nobyembre 30, 2018.

Sa pangunguna ng grupo ng kabataan ‘Go Shine Mellinials’ na si Isabela Ruth R. Laynes (GSM) at sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit (LGU) ng Virac.

Nagmukhang sabungan ang Rawis Gym sa tindi ng sigawan ng mga nanuod at kalahok sa nasabing patimpalak lalo na pagnakikita ng nanuod na maaari ng matalo ang katungali sa nasabing battle. At mas lalo itong tumitindi sa tuwing nagpaflash na sa screen ang mga katagang ‘Double/Triple/Mega Kill, Retreat at Killing Spree.’ Sa bawat ‘launch of attack,’ kung saan nagsasalpukan ang dalawang koponan na may tiglilimang kasapi (5v5). Nagdulot ito ng labis na kagalakan sa mga nanunuod upang abangan kung sino ang susunod na matatalo sa sagupaangan hanggang tuluyang masira ang mga ‘towers’ ng bawat koponan.

“The purpose of this event is to gather our youths and support their enthusiasm in sports like online gaming through competition to strengthening camaraderie with an advocate to make them aware and  be responsible in solid waste management,” ayon kay Laynes ng GSM.

Bago pa man makasali ang isang koponan ay hiningan ang mga possibling kalahok ng tigtatatlong bote na naglalaman ng basura bilang entry para makasali sa kompetisyon. Nangangahulugan lamang ito na ang bawat koponan ay nangangailangan ng mahigit dalawampung bote para makalahok sa nasabing patimpalak. Kaya ang nasabing kompetisyon ay isang din umano hakbang para pangalagaan ang kalikasan at maging responsable sa pagtatapon ng basura.

“Ini ang hilig nin satuyang mga kaakian, gustong matawan sinda nin venue kung saen magkakamiribidan sinda sa paagi nin sarong online games competition habang biga inganyar ta man sindang maging marhay na syudadano nin satuyang banwaan,” ayon ito kay Mayor Samuel Laynes.

Ang nasabing kompetisyon ay dinaluhan ng umaabot sa 36 na koponan na may 6 na miembro sa elimination round. Samantala 4 na koponan na lamang sa semi-finals ang natira kung saan tinanghal na kampeon ang Dragon Virac Team na pinangalawahan ng Vendeta Team at Wow Team sa pangatlo pwesto. Karamihan sa nakilalok ay grupo ng estudyante, kasalukuyang nagtatrabaho at ganun dun yung mga naglilibang lamang. Nakisaya din ang mga magulang ng mga kalahok sa event bilang suportahan sa kanilang mga anak at iba pang online game enthusiasts. (Junie Panti)

Advertisement