Ibinasura ni Makati RTC Branch 63 Judge Selma Palacio Alaras ang motion to quash at kahilingang i-recall ang warrant of arrest na ipinalabas laban kay Xian Xian Wang matapos idawit ito sa shabu lab sa lalawigan ng Catanduanes.
Ang Chinese national na si Wang ay nahaharap sa kasong conspiracy to manufacture illegal drugs kasama ang apat pang mga akusado na sina former acting regional director of NBI-Central Mindanao Regional Office (NBI-CEMRO) Eric Isidoro, Pido Bonito, Paolo Uy at Jayson Gonzales.
Si Wang na nananatiling at large pa ngayon ay nais alisin siya sa warrant of arrest dahil erroneous umano ang mga impormasyon maging ang conclusion ng batas at hindi ang recital of facts dahil labag umano ito sa kanyang karapatan o ang right to be informed. Nagpalya umano ang charge sheet sa kanyang tunay na partisipasyon sa conspiracy para sa operasyon ng shabu laboratory.
Ayon naman sa korte, may batayan at hindi na kailangan ang amendment para i-recall ang impormasyon.
Ayon sa korte na nang magpalabas ng warrant of arrest si Judge Lelu P. Contreras, personal umanong deniterminahan nito sa pamamagiran ng mga supporting documents na iprenisenta sa korte at merongg kaukulang probable cause laban sa mga akusado at hindi kailangan bulabugin pa ang unang naging desisyon ng korte.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang pagdinig sa kaso, kung saan nasa kustodiya ng BJMP ay sina Lorenzo Piñera II at Atty. Eric Isidoro samantalang ang mga at large ay sina Jayson Uy, Paolo Gonzales, Paolo Palisoc, Phung Yuan Estorco and Sheng Wang.
Ang mega shabu laboratory ay nadiskubre noong 2016 sa Palta small, kung saan umaabot sa P100-million worth of shabu and ephedrine ang nadiskubre. Ang lugar na tinayuan ng naturang laboratory ay sinasabing pag-aari ng isang Sarah Sarmiento na ipinarerentahan sa isang Angelica Balmadrid na common-law wife ni Isidoro.