Virac, Catanduanes – Pormal ng inilabas ng lokal na pamahalaan ng Virac ang bagong taripa na matagal ng hinihintay ng mga tricycle operators sa bayang ito.
Sa panayam ng Radyo Peryodiko, sinabi ni SB member Paolo Sales, committee chair on Public Information, nasa implementasyon na ang bagong Ordinansa, subalit meron pa umanong dapat sundin na proseso ang mga tricycle drivers at operators para ganap na makasingil ang mga ito ng bagong taripa sa mga pasahero.
Una, kailangan umanong tingnan kung updated ang kanilang prangkisa, ikalawa, dapat updated ang mayor’s permit, ikatlo, nakapagbayad ang mga ito ng halagang P250 sa treasurer’s office at ang laminated na taripa ay ilalabas naman sa pamamagitan ng SB Secretary.
Binigyang diin ni Sales na hindi pwedeng maningil ng bagong taripa ang sinumang tricycle sakaling wala pa ang mga ito ng fare matrix na nakapaskil sa loob ng tricycle.
Makikita sa taripa na tumaas ng piso ang minimum na pamasahe na nagkakahalaga ng 10 pesos mula sa dating P9 pesos habang may karagdagang isang piso sa bawat dagdag na isang kilometro. Nakalagay din sa ordinansa ang discounted rate na 20% para sa mga senior citizens, estudyante maging mga persons with disabilities (PWDs).
Samantala, ipinaalala naman sa nasabing ordinansa ang mga prohibited acts laban sa mga tricycle drivers. Kasali rito ang overcharging, failure to convey passengers, cutting trip at iba.
Sa ilalim ng batas, may karapatan umano mga pasahero na ireklamo ang sinumang lumabag at kailangan lamang isumbong sa mga kinauukulang otoridad dahil may karampatang parusa ang mga ito. P500 sa unang opensa, 1,000 sa ikalawa at 1,500 sa ikatlo hanggang sa suspension at revocation ng prangkisa.
Una, kailangan umanong tingnan kung updated ang kanilang prangkisa, ikalawa, dapat updated ang mayor’s permit, ikatlo, kailangan umanong nakapagbayad sila ng halagang P250 na babayaran sa treasurer’s office at ang laminated na taripa ay ilalabas naman sa pamamagitan ng SB Secretary.
Samantala, binigyang diin ni Sales na hindi pwedeng maningil ng bagong taripa ang sinumang tricycle sakaling wala pa ang mga ito ng fare matrix na nakapaskil sa loob ng tricycle.
Makikita sa taripa na tumaas ng piso ang minimum na pamasahe na nagkakahalaga ng 10 pesos mula sa dating P9 pesos samantalang ito ay may karagdagang isang piso sa bayad dagdag na isang kilometro. Nakalagay naman sa ordinansa ang discounted rate para sa mga senior citizen, estudyante maging mga persons with disability (PWDs).
Ikinatuwa naman ng mga tricycle operators and drivers ang bagong ordinansa dahil matagal na umano nila itong hinihintay.
Kaugnay nito, nanawagan si Mayor Posoy Sarmiento sa mga tricycle and operators na kailangan maging honest to goodness at dapat sundin ang isinasaad sa Batas upang hindi narin maging marahas ang batas sa kanila. Kailangan umanong igalang ng mga drivers ang mga pasahero dahil ito ang kanilang bread and butter. Nais ng alkalde na pangatawanan ng mga ito ang kanilang pagiging tourism ambassadors sa lalawigan ng Catanduanes at maging huwaran sa kanilang trabaho. (FB)