Virac, Catanduanes – Kinilala ng Sangguniang Panlalawigan ng Catanduanes ang 45 New Nursing Passers ng Catanduanes State University (CSU)

Kasama sa pagkilala ang patuloy na tagumpay ng College of Health and Sciences, Catanduanes State University (CSU), lalo na sa pagpapanatili nitong mataas sa ranking ng Nurse Licensure Examination’ na isinagawa ng Professional Regulations Commision noong Hunyo, 2019.

Sa ipinasang resolusyon ni Provincial Board Member (PBM) Rafael Zuniega noong ika-8 ng Hulyo, 2019, iminungkahi nito ang pagbigay ng pagkilala sa mga ‘Faculty and Staff ’ ng nasabing kolehiyo ng CSU at ang pagkilala sa pamamagitan ng isang resolusyon sa mga pumasa sa pagsusulit.

Una ng naging sentro ng mga balita ang pagkakapasok ng tatlong passers sa top ten. Ito ay kinabibilangan nina Dan Albert Timajo (7th), Kathryn Avery Aldave (8th) at Claudine Villamor (10th) na kapwa mga top placers.

Dahil dito nagpasa ng panibagong resolusyon si PBM Edwin T. Tanael para mabigyan ng cash incentives ang mga top placers na nagkakahalaga ng P10,000.00 ang bawat isa. Ito umano ay para naman hikayatin ang mga estudyanting kasalukuyang nag-aaral, para mas galingan pa at mas lalong magpursige. Mula sa tanggapan ni Acting governor Shirley Abundo ang naturang halaga. (Jonie T. Panti)