Sino itong dating alkalde sa lalawigan ng Catanduanes na dami palang nacorner na mga proyekto noong nakaupo pa. Kahit pala sa kanyang munisipyo siya pa ang contractor?
Ayon sa bise alkalde nito na re-elected ngayon, tila pinagsamantalahan ng alkalde ang kanilang bayan dahil maging ang construction ng tubigan sa kanilang bayan siya pa rin ang nagpatrabaho. Ang siste, siya na nga ang alkalde, siya pa ang nagpatrabaho, subalit malasado pa ang proyekto.
Ayon sa ating bubuwit, ngayon, tila lumabas ang ebidensya dahil pumutok ang mga tubong inilagay dahil ang mga tubo ay subsatandard..hikhikhikhik! Grabe naman kagarapal ng dating alkaldeng ito. Proyekto sa sarili niyang bakuran, sinalaula pa..hikhikhikhik!
Clue, kung sino siya. Sya ang kasama sa mga bigotilyong alkalde noon at mala-artistahin sa pelikula. Ang kamukha niyang artista ay kontrabida..hikhikhikhik! Kaya pala! Hikhikhikhik. Siya ang kasama sa mga nasuspending opisyal sa isla dahil sa isa ring kwestyunableng proyekto..hikhikhikhik!
*************
Totoo baa ng impormasyong mula na naman sa bayan ng San Andres galing ang presidente ng Vice Mayor’s League?
Ayon sa impormasyon ang pinili ng mga bise alkalde para pangunahan ang liga ay si Vice mayor Leo Mendoza. Ang tanong, bakit ang swerte naman lagi ng mga opisyal mula sa bayan ng San Andres? Tila ba sila nalang ang mga masusuwerteng anak ni Eva? Hikhikhikhik!
Kung sabagay, sabi ni erap, weather weather lang yan..hikhikhikhik!
Ang Mayor’s League President ay mula sa San Andres na bayaw ng Vice Mayor’s League President. Ang SK Federation President ay si Camille Qua na mula rin sa San andres at pamangkin ng Mayor’s League president..hikhikhikhik!
Ayon sa ating bubuwit, ang interim president ng PCL ay mula rin sa San Andres sa katauhan ni SB member Allan Del valle. Si del valle rin ang sinasabing malakas na contender sa naturang pwesto…hikhikhik!
Tila pakyaw na nga ng San Andres ang mga magagandang pwesto sa lalawigan..hikhikhik! Isabay mo pa na ang gobernador natin ay si Governor boboy at ang Acting Gov ay mula rin sa San Andres..hikhikhik! Ang kongresman, tila malapit sa San Andres..hikhikhik!
Tila nalipat na ang Bato Alisto sa San Andres..hikhikhik! Baka ibigay na rin ng dating alkalde ang korona ng Bato ilang alisto, ang tinatawag na mantra sa San Andres dahil hindi na rin ito ginagamit ng naging katunggali na siyang mga nakaupo ngayon.
Ayon sa impormasyon, ayaw na nilang gamitin ang alisto dahil iba pala ang connotation ng alisto sa kanila. Alisto sa proyekto pala ang naging mantra ng dating alkalde..hikhikhik! Sa ngayon parehong binata ang alkalde at bise alkalde ng Bato kung kaya pinalitan na umano ang mantra.
Kung dati umano alisto ang bato, ngayon bago na “Bato siguradong areglado”..hikhikhikhik!