Bato, Catanduanes – Tinanghal na kampeon si Joden Tomagan ng Virac sa katatapos lamang na grand finals ng  Karantahan Live ng TESDA Cabugao.

            Ang patimpalak ay ginanap sa TESDA-CSHCI sa Cabugao, Bato noong Agosto 23, 2019. Nasungkit ni Tomagan ang titulo bilang kinatawan ng Gilgal Training Center kung saan  Quando, Quando, Quando ang kanyang naging winning piece.

            Maliban kay Tomagan, kabilang sa lima pang mga grand-finalists ay sina Mary Ann Almoguerra ng Cabugao School of Handicraft and Cottage Industries (CSHCI), Shamae Olesco ng Catanduanes Colleges, Cristine Hinogaling ng CSAT, Cristel Bernal ng CSAT at Rolando Gianan, Jr ng FNR Training Center.  

            Naging hurado sa nasabing kompetisyon ay sina Myrna Aldea – Teacher III ng Catanduanes National High School, Ruben Tapit – DAR Representative at Rev. Father Paul Isorena – Parish Priest ng St. Anthony De Padua sa Cabugao, Mahigpit ang naging kompetisyon sa pagitan ng mga estudyante at alumni ng mga TESDA accredited school sa buong lalawigan ng Catanduanes.

             Ang naturang kompetisyon ay bilang bahagi ng 25th Anniversary ng TESDA, kung saan ang major sponsor ng singing contest ang TGP Partylist sa pangunguna ni Congressman Bong Teves, sa pakikipagtulungan ng TESDA, Cabugao School of Handicraft and Cottage Industries (CSHCI), Provincial Government of Catanduanes at Bicol/Radyo Peryodiko, “In the Service of the Bicolanos Worldwide”.

            Nagsimula ang elimination noong Agosto 8 sa Plaza Rizal at nagpatuloy ito sa pamamagitan ng Radyo Peryodiko at Bicol Peryodikotv FB Live.

            Samantala, naging matagumpay ang  isinagawang culminating program ng TESDA para sa Silver Anniversary kung saan dumalo si  TGP Party-list Congressman Jose “Bong” Teves, Jr. kasama sina Acting Governor Shirley A. Abundo at Acting Vice Governor Lorenzo Templonuevo Jr na nagbigay ng inspirational message para sa mga TESDA students.       (Ulat ni Patrick Yutan)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.