VIRAC, CATANDUANES – Iba’t-ibang pangangailangan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa BJMP Virac District Jail ang idinulog ng warden sa publiko kamakailan.

Ayon kay JInsp. Marben Cortes, warden ng Virac District Jail, kailangan umano ng mga residente ng bilangguan ang mga personal na kagamitan, partikular para doon sa mga halos hindi na dalawin ng mga kaanak.

Inamin din ng nasabing opisyal ang 500% congestion increase ng mga PDL sa loob ng mga selda. Sa kasalukuyan, ang Virac Jail ay mayroong 143 PDLs, gayong 30 persons lamang ang kapasidad nito. Kaugnay ng congestion, kinunmpirma ni Cortes ang umano’y mga sakit na karaniwang nakukuha ng mga residente kagaya ng ubo, sipon, iba’t-ibang skin diseases at hypertension lalo na sa panahon ng tag-init.

Ganoon pa man, patuloy pa rin umanong isinasakatuparan ng BJMP Virac ang iba’t-ibang aktibidad para sa mga bilanggo upang kahit umano papano ay mapanatili ng mga ito ang kalusugan.

“We provide sunning time for at least one hour everyday,” ayon kay Cortes. “We utilize this small space kung saan puwede silang makapag-exercise.”

Dagdag ng opisyal, katatapos lamang umanong makapag-training ang 25 PDL para sa rug making na ibinigay ng TESDA. Kaya lang wala naman umano silang sewing machine para sa implementasyon ng nasabing livelihood program. Kaugnay nito, nananawagan si Cortes para sa mga may ginintuang puso na matulungan ang mga residente ng Virac District Jail.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.