VIRAC, CATANDUANES โ Inulan ng ibaโt-ibang kritisismo ang kandidata ng Catanduanes para sa Ms. Millennial Pageant ng Eat Bulaga ng GMA-7.
Itoโy makaraang makapagbigay umano ito ng maling impormasyon sa publiko patungkol sa ilang detalye particular kung pupunta ka patungo sa lalawigan ng Catanduanes.
Magugunitang noong nakaraang Martes, ika-8 ng Oktubre nang itampok sa Ms. Millennial bilang contestant si Angelie Pasher. Ibinida ng local beauty queen, Bb. Catanduanes 2018 title holder, ang ibaโt-ibang tourist spots sa lalawigan ng Catanduanes, gayundin ang mga natatangi at ipinagmamalaking produkto gaya ng Abaca.
Ngunit nang tanungin siya ng Hosts ng Eat Bulaga na sina Pia Guanio at Ms. Luan kung papano mapupuntahan ang lalawigan ng Catanduanes upang maranasan ng sinuman ang tuwaโt-saya sa Happy Island, walang kagatol-gatol na sinagot ni Pasher, โYou have two options to get to Catanduanes. You can catch a direct flight from Manila to Legazpi and take a ferry boat which is 4 hours. Also we have a land option which is a 10-hour drive and again a 4-hour ferry.โ
Sa naging sagot ni Pasher, nagulat ang kanyang Catanduanes audience. Sa kanilang mga posted comments sa social media, pinaalalahanan ng netizens si Pasher na may direct flight din umano mula Maynila direkta patungong Virac. Idinagdag din nila na hindi apat na oras ang biyahe ng barko kundi mahigit dalawa lang, minsan nga mahigit isang oras lamang kung sasakay sa fastcraft.
Sa ibinunyag ni Pasher, tila nakakapagod umano para sa possible tourists ang biyahe patungong Happy Island.
Ngunit paliwanag ni Pasher, sa pamamagitan ng Provincial Tourism Officer Carmel Garcia, may exclusive sponsorship umano sa nasabing TV Program ang Philippine Airline (PAL), at hindi pwedeng banggitin sa ere ng sinuman ang pangalan ng ibang airline.
โPasher was briefed about this matter,โ ayon kay Garcia. โNa sasagutin ang ganoong katanungan in favor of the sponsor which is PAL. Cebu Pacific ang bumibiyahe patungong Virac.โ
Dagdag pa ni Garcia, โPlease, let us understand the girl. Ofcourse she knew there is an airline going to Virac, but under the policy of the show and the network, she was refrained to disclose it.โMaliban doon, kumbinsido naman ang mga Catandunganon na mabuting naipresenta ni Pasher ang Catanduanes sa nasabing patimpalak.