Virac, Catanduanes – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) sa lalawigan ng Catanduanes na posible ngang ma-downgrade ang EBMC sa level 1 mula sa level 2.

Sa programang “Ugnayan sa Radyo”’ ng DTI sa Radyo Pilipinas, sinabi ni OIC  Pabico na meron silang initial na impormasyon hinggil sa bagong classification at posibleng mangyari ito sakaling hindi mabigyan ng pansin ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa opisyal, ang kakulangan sa manpower ang isa sa malaking problema ng EBMC maging ilang ikipahe. Katunayan, nagtungo umano si Dr. Abella sa central office upang apelahin ang naturang sitwasyon.

Sa panayam ng Radyo Peryodiko kay PBM Santos Zafe, bilang committee chair ng Health sa Sangguniang Panlalawigan, nagkaroon na sila ng pagkakataong makausap ang Chief of Hospital hinggil sa naturang impormasyon, subalit hindi nire-veal ang mga dahilan ng panibagong assessment.

Ayon kay Zafe, batay sa kanyang karanasan, ang kakulangan sa human resources ang pangunahing problema ng EBMC dahil mababa ang pasahod, maging ito man ay nurses o medical doctors.

Nakokompetensya rin di umano ito ng nurses to the baryo ng DOH dahil umaabot sa 30,000 ang sahod ditto kumpara sa ordinaryong empleyado.

Dagdag pa ni Zafe, sakaling ito talaga ang findings ng DOH, blessing in disguise umano ito dahil nasa pangangalap sila ng mga dokumento ngayon bilang pangunahing dahilan sa panukalang ibalik nalang sa DOH ang pamamahala nito.

Una nang ipinanukala ni PBM Zafe naa ibalik nalang sa central government ang pamamahala upang hind imaging pabigat sa kapitolyo at mas magiging maganda pa ang serbsiyo.Ang assessment ng DOH ay batay sa panibagong linsensya na ipapalabas sa buwan ng Enero. Meron pa umanong panahon upang maisakatuparan ito at hindi malagay sa downgrading na lubhang makakaapekto sa mga Philhealth members at mga pasyante.

Advertisement