Pinasimulan ng Municipal Agriculture ang programang aagapay sa mga mamamayang magsasaka, mangingisda, mga nag-aalaga ng hayop at gayon din ang paglunsad ng tinatawag na Gulayan sa Barangay at Paaralan.

Sa pilot episode ng programang Arangkada Virac noong October 12, 2019, sinabi ni Municipal Agriculturist Gemma Tadoy na nasa 34 barangays na umano ang nabiyayaan ng naturang programa.

Una na rito ang pamimigay ng mga binhing madaling anihin at pagkakitaan. Ibinida naman ni Agriculturist Tadoy ang suporta ni Mayor Posoy Sarmiento sa mga isinasagawa nilang programa.

Ayon sa kanya sa loob umano ng 3 buwang pagkakaupo nito sa pwesto bilang alkalde, umabot na sa 8 paaralan ang nabigyan nila ng mga seedlings kabilang dito ang Pilot Elementary School, Hawan at Buyo.

Meron ding 289 na clients ang nakatanggap ng mga binhi para sa backyard gardening. Ibinahagi rin nito ang tinanggap ng lokal na pamahalaan mula sa Department of Agriculture ng mga sumusunod na kagamitan tulad ng tracer, fertilizer at higit sa lahat ay ang Combine Harvester na kauna-unahang nabiyayaan ang bayan ng Virac sa buong lalawigan ng Catanduanes.

Hinikayat din ni Agriculturist Tadoy ang mga farmers na personal na magsadya sa kanilang tanggapan para sa ipinamimigay na libreng serbisyo, binhi at iba pang tulong pangkabuhayan. Ilan sa mga nabanggit nito ay ang free seeds, technical assistance mga kagamitan pang agrikultura, gayon din ang libreng tali para sa mga alagang aso, free deworm at anti-rabies.

Mayroon ding 164 bags rice palay seeds high breed na kanilang ibinibigay sa mga naapektuhan ng tagtuyot, 100 bags naman na high breed 15kls per packed  para sa mga sumadya sa opisina at nagreport na silay apektado ng naturang drought.

Patuloy rin sa isinasagawang monitoring ng Aquatic Resources ang Municipal Agriculture’s Office upang matukoy at mapag-aralan nila ng maigi ang kalagayan ng ating karagatan na pangunahing pinagkukunan ng isda sa bayan ng Virac.

Nagsumite na ng budget proposal para sa taong 2020 ang Municipal Agriculture’s Office ng sa gayon ay mapasimulan na ang proyektong bayaw/boya isang Agri-baiting Device kung saan nakatalaga sa isang lugar ang pangisdaan.

Sakaling matapos ang proyekto ay pasisimulan na rin ang pag develop ng marilima bilang isang Sanctuary Park. Dagdag pa rito ang balik sigla program ng sapa at ilog na partikular nang tinukoy ang mga lugar ng Pajo at Santo Domingo River na gagawing Hapa Base hatchery, isang Bruise Park na pagtatamnan ng mga Mangroves at tatawaging Fishalan.

Layunin ng programa na maibalik ang natural na ganda nito, maging isang atraksyon at magsilbing Back up Livelihood Program para sa mga mamamayan ng Virac. (Ulat ni Robert Tavera)

Advertisement