computer facial composite
computer facial composite

Caramoran, Catanduanes –  Inilabas na ng Philippine National Police (PNP) ang Computerized Facial Composite ng dalawang pinaniniwalaang suspek sa pagnakaw at pagpatay sa elementary school teacher na si Mel rose Baloloy y Trilles.

            Sa tulong ng Caramoran Municipal Police Station (MPS) at sa koordinasyon sa Provincial Crime Laboratory Office naisakatuparan ang naturang facial composite na posibleng maging daan upang makilala ang mga taong nasa likod ng naturang krimen.

            Matatandaang naganap ang karumaldumal na pagpatay kay Baloloy na mas kilala sa kanilang paaralang β€œMam Lot” noong Nobyembre 5, 2019 dakong alas otso ng gabi sa Brgy. Toytoy Caramoran, Catanduanes, kung saan natagpuang patay ang isang tatlumpu’t pitong (37) gulang, may-asawa at may isang anak at public school teacher sa Tucao- Maysuram Elementary School.

            Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang operasyon ng Caramoran PNP para maresolba ang kaso at mapanagot ang mga salarin.

            Hinihiling ng PNP  ang kooperasyon ng komunidad na agarang ireport ang anumang impormasyon sa Caramoran Municipal Police Station. Una ng nagpalabas ng 150,000 pabuya ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ni Mayor Glenda Aguilar mula sa pondo ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) para sa mga makapagtuturo sa pagkakakilanlan ng mga salarin.

            Ayon sa PNP,  anumang impormasyon ay maaaring idulog sa pamamagitan ng MPS hotline numbers na 09394512019 o kaya sa numerong 09985986020 (Ulat ni Jazalle Gianan)