Virac, Catanduanes – Kinumpirma ni Vice Mayor at Acting Mayor Arlynn Arcilla na kanselado muna ang mga aktibidad sa Kaaldawan ng Virac dahil sa papasok na bagyong si Tisoy.
Sa panayam ng Radyo Peryodiko sinabi ni Arcilla na batay sa kanilang meeting, dahil sa banta ng bagyo, simula Disyembre 1-4 kinansela muna ang naturang mga aktibidad dahil sa posibleng epekto ng bagyong Tisoy.
Sa schedule ng aktibidad, disyembre 1 ang opening kasama na ang parade maging mga boxing events at ang Mutya ng Virac.
Dagdag pa ng opisyal, sakali umanong hindi maging damaging ang bagyo, tuloy ang ibang mga aktibidad. Posible rin umanong sa Christmas cheers na lamang isasabay ang iba.
Kaugnay nito, humingi ng paumanhin ang bise alkalde dahil sa kanselasyon at pag-aaralan umano nila kaagad ang resumption ng mga aktibidad sakaling maganda na ang kalagayan ng panahon.