VIRAC, CATANDUANES – Umalma si Acting Governor Shirley Abundo sa lumabas na balita mula sa mainstream media na nag-aakusang pinabayaan umano ng provincial government ang mga stranded passengers sa abaco Port kaugnay sa nagdaang bagyong Ursula.

Sa report na nakarating sa mainstream media, sinasabing nagutom umano ang mga pasahero at hindi umano natulungan ng local na gobyerno ng lalawigan.

Ngunit ayon kay Abundo, hindi umano totoo ang report dahil sa unang araw pa lamang ng mga stranded sa tabaco terminal ay gumalaw na ang ayuda ng pamahalaan.

“May kakontrata tayong catering service sa tabaco City, and we have provided meals mula almusal hanggang hapunan sa ating mga stranded passengers, sa kabuuan ng kanilang pananatili sa terminal ng tabaco port,” ayon kay Abundo.

Hindi rin umano galing sa isang pulitiko ang nasabing foods assistance kagaya ng mga ipinapalabas ng ilan, kundi galing iyon sa pera ng taumbayan na inihatid sa stranded passengers sa pamamagitan ng gobyerno. (RAMIL SOLIVERES)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.